Category: Save Mary Jane

  • ‘Tao Po’ sa Roma

    ‘Tao Po’ sa Roma

    Sa ngalan po ng UMANGAT-MIGRANTE, GABRIELA ROME, ITALIAN FILIPINO FRIENDSHIP ASSOCIATION, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at dumalo sa ating isinagawang pagpapalabas ng TAO PO.

    Sana po ay patuloy nyo kaming samahan sa patuloy ng panawagan ng pagpapahinto sa mga nagaganap na Extra Judicial Killings sa ating Bansa at paghingi ng katarungan para sa lahat ng biktima ng extra judicial killings.

    STOP THE KILLINGS! 
    JUSTICE FOR ALL THE VICTIMS OF EXTRA JUDICIAL KILLLINGS!

  • Global Action Day: Free Mary Jane Veloso

    Global Action Day: Free Mary Jane Veloso

    London: Isang misa ng pasasalamat ang isinagawa para kay Mary Jane Veoloso. Nagkaroon din ng talakayan sa pagbibigay ng update sa kanyang kaso na ginanap sa   Saint John Evangelist Parish Filipino Community at sa mga miyembro ng Legion of Mary ng Mt. Carmel Church of Our Lady Victories.

    Italy: Nakikiisa ang mga miyembro ng Umangat-Migrante, Gabriela Rome at Migrante Caserta sa panawagan para sa Global Day of Action for Mary Jane Veloso para makamtan nito ang hustisya at kalayaan.

    Save the life of Mary Jane Veloso!
    Let her Speak the truth!
    Justice and Freedom for Mary Jane Veloso!

    France: Nakikibahagi ang Nagkakaisang Pilipino sa Pransya o NPSP sa araw na ito sa panawagan na iligtas at palayain si Mary Jane Veloso. Tatlong taon na ang nakakaraan noong napigilan ang pagpataw ng kamatayan kay Veloso sa pamamagitan ng firing squad sa Indonesia. Hindi ito itinuloy para mabigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang kaniyang pagiging inosente sa kasong drug trafficking. Ngunit noong nakaraang Enero 2018 naglabas ng desisyon ang Court of Appeals (CA) sa Pilipinas para hadlangan ang pagtanggap ng testimonya ni Veloso mula sa piitan sa Yogyakarta laban kina Maria Cristina Sergio at sa live-in partner nitong si Julius Lacanilao, ang mga inaakusahang illegal recruiter ni Veloso.

    Ngayong ika-29 ng Abril, ikatatlong anibersaryo ng pagkakaligtas kay Mary Jane mula sa kamatayan, iginigiit namin sa gobyernong Duterte na bigyang pansin ang kaso ni Mary Jane at gawin ang lahat ng makakaya upang mailigtas at mapalaya siya.

    Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs o DFA noong September 2017, mayroong 130 Filipinos na nasa death row sa buong mundo, 137 ang nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong, at 626 naman ang iniimbestigahan dahil sa iba’t ibang pagkakasala.

    Bilang mga migrante at kapwa Pilipino, nais naming ipakita kay Mary Jane at sa kanyang pamilya ang aming mahigpit na pagsuporta at paghahangad na sana’y makamtan na nila ang katarungan. Sana’y mapalaya na siya upang makasama niya ang kanyang pamilya.

    Hindi man namin naranasan ang kanyang sinapit batid namin ang hirap na malayo sa sariling pamilya, ang makipagsapalaran sa ibang bansa at maging bulnerable sa pangaabuso. Hindi rin dapat mailayo na mapagusapan ang ugat ng suliranin ng malawakan at pwersahang paglikas ng mga Pilipino sa sariling bayan. Patuloy kaming nanawagan ng solusyon sa ugat ng problema, magkaroon ng sapat na trabaho at nakakabuhay na sahod sa loob ng bansa nang sa gayo’y hindi na makipagsapalaran ang mga Pilipino na kalimitang nagiging biktima sa ibayong dagat.

    #LetMaryJaneSpeak
    #FreeMaryJaneVeloso
    #StopLaborExportPolicy
    #TrabahosaPinasHindisaLabas
    #GlobalActionDay