Tag: Wilfredo Keng

  • HATOL NA GUILTY KAY MARIA RESSA: BANTA SA FREEDOM OF EXPRESSION AT PRESS FREEDOM

    HATOL NA GUILTY KAY MARIA RESSA: BANTA SA FREEDOM OF EXPRESSION AT PRESS FREEDOM

    Esensyal ang tungkulin ng malayang pamamahayag sa panahong hinaharap ng buong mundo ang pandemya. Gumagampan ng malaking tungkulin ang mga journalist at media organizations sa mas malawak na dissemination ng mahahalagang impormasyong dapat na makatawid sa mamamayan.

    Nagiging bukas na daluyan rin ito upang punahin ang mga pagkakamali at kalabisang maaaring gawin ng mga nasa kapangyarihan.Ngunit kakaiba ang nangyayari sa Pilipinas. Gamit ang mga batas at teknikalidad nito, matagumpay na naipasara ang ABS-CBN noong nakaraang buwan.

    Bagama’t sinunod ng top management ang proseso at mga rekisitos sa renewal ng kanilang franchise, naging malinaw sa mamamayan at buong daigdig na ang inaatake na ay ang kalayaan sa pamamahayag. Hanggang sa ngayon, nakabinbin sa House of Representatives ang franchise renewal ng broadcast channel.

    Matapos ipasara ang ABS-CBN, niratsada naman ang Anti-Terror Bill, isang panukalang batas na may mga probisyong mapanganib at banta sa mga karapatang sibil at politikal ng mamamayan.Ngayong araw, hinatulang guilty sina Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr. Ang kaso ay Cyber Libel na sinampa ni Wilfredo Keng, isang negosyante.

    Tinatalakay ng artikulo na under surveillance si Keng dahil sa involvement sa illegal drugs at human traffic. Ang batayan ng kaso ay ang Cybercrime Prevention Act ngunit nailathala ang article na nabanggit noong wala pang umiiral na batas tungkol sa cyber libel.

    Malinaw ang mensaheng pinaparating sa mga mamamahayag at mamamayan; ang mga pagpuna at pambabatikos sa online ay maaaring ituring na cyber libel. Magkakaroon ng chilling effect ang desisyon na ito sa mga kritiko ng pamahalaan lalo na sa panahong higit nating kailangan ng accountability sa mga hakbangin ng pamahalaan labang sa COVID19.

    Magdudulot ito ng takot at pangamba sa mamamayan na punahin at batikusin ang mga abusado at kapalpakan ng pamahalaan.Ang mga sunod-sunod na atake sa kalayaan sa pamamahayag sa porma ng pagpapasara sa ABS-CBN, pagratsada ng Anti-Terror Bill at guilty verdict kina Ressa at Santos ay malinaw na manipestasyon na nais ng pamahalaang patahimikin at takutin ang mamamayang ang sinisigaw ay mga konkretong plano para kalusugan at kabuhayan.

    Nais nilang takpan at busalan ang mga katotohanang sinasambulat ng pandemyang ito.Ipahayag natin ang mariing pagtutol sa mga atake sa ating freedom of expression at freedom of the press. Manindigan tayo at labanan ang isang papet, pabaya at pasistang pamahalaang ito!

    #DefendPressFreedom

    #CourageON

    #HoldTheLine

    Nagkakaisang Pilipino Sa Pransya-Les Philippin.es Uni.es en France