TAYO’Y TAO NA MAY KARAPATAN SA BUHAY AT MABUHAY

Lumipas na ang 70ng taonng ideklara ang pandaigdigang araw ng karapatang pantao subalit tilabaga nabubuhay pa tayo sa kapanahunang wala pang pagkilala rito.Malala at patuloy pang lumalala ang sitwasyon sa ating bansa sausapin ng karapatang pantao. Nilampasan pa ng administrasyong Duterteang panahon ng diktaduryang Marcos sa tala ng mga paglabag sakarapatang pantao. Mismong sa datos ng PNP ng Agosto 2018, 5,000pagkamatay ang kinikilala nilang may kaugnayan sa kasong droga mulasa tinataya pa nilang 23,000 kaso ng pagkamatay na nasa ilalim ngkanilang imbestigasyon mula ng ilunsad ang kampanya laban droga nuongHulyo 2016.

Samantala, hindinasasawata ang problema sa droga at sa isang pagkakataon, mismong sipangulong Duterte na ang nagsabing hindi mareresolbahan ito. Naglahona sa baul ng alaala ang mga taong nasangkot sa P6.4B kaso ngimportasyon ng shabu, habang patuloy namang dumarami ang mgapagpatay sa mga maliliit at mga karaniwang tao na malaking bahagi aymga inosenteng mamamayan at mga kabataan ang biktima. Isa na rito siKian delos Santos, 17 taong gulang na pinatay ng mga pulis. Angtatlong pulis na nasangkot ay nahatulan kamakailan lang ng CaloocanRegional Trial Court branch 125 sa salang pamamaslang.

Habang ang karapatangmabuhay at karapatan sa buhay ay ipinagkakait, gayundin angnangyayari sa karapatang maghayag ng opinyon at paniniwala. Hindilahat ng kasong pagpatay na nagaganap ngayon sa Pilipinas ay maykaugnayan sa droga. Dumarami rin ang bilang ng mga pinapatay ay mgamamamayang naninindigan para sa kanilang mga karapatan at mganagtatanggol dito.

Nitong huling bahagilamang ng taon, siyam na manggagawang bukid ang minasaker sa Sagay,Negros Occidental. Ang walo ay miyembro ng National Federation ofSugar Workers na nagsagawa ng bungkalan o pag-okupa sa mga lupangtiwangwang sa kanilang lugar. Binaril at napatay naman si Atty.Benjamin Ramos sa Kabankalan, Negros Occidental. Si Atty. Ben aysecretary general ng National Union of People’s Lawyer ng Negros napangunahing nakatutok sa kaso ng Sagay 9 massacre. Ayon saorganisasyong Karapatan, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 13 ang kasong masaker at 216 ang kaso ng pagpatay na pulitikal.

Sa tabing ng“destabilisasyon”, binibigyan katwiran ng gobyernong ito ang mgapagpatay, pagsikil at pagsira ng kredibilidad ng lahat ng mgaindibidwal at grupong naninindigan para sa karapatan ng mamamayan attumutuligsa sa kanilang mga patakaran. Ginagamit ang marahas na PNPat AFP kabilang ang mga paramilitary sa pagsupil. Mula ng ideklaraang Batas Militar sa Mindanao ay umabot na sa 88 ang napapatay ng mgapulis, militar at paramilitar; 128 ang kaso ng tangkang pagpatay;1,450 ang kaso ng ilegal na pag-aresto; 148 ang kaso ng panggigipitna may pagsampa ng gawa-gawang kaso at 346,940 ang naapektuhan ngwalang patumanggang pambobomba ang naitala ng organisasyongKarapatan. Ang mga bilang na ito ay tinatayang tataas pa sa mulingpagpapalawig at pagpapalawak ng saklaw nito sa susunod na taon.

Napilitan tayong mga ofwna lumikas mula sa ating bayan upang magkaruon ng kaganapan ang atingpagkatao kabilang ang ating pamilya sa karapatang mabuhay na maydignidad. Subalit tila baga ang mga may kapangyarihan lamang sapulitika ang may karapatang mabuhay at may karapatan sa buhay. Sakabila ng ating pagsusumikap na maiahon sa kahirapan ang atingpamilya sa Pilipinas at sa kabila ng malaking ambag natin saekonomiya, rumagasa naman ang TRAIN LAW sa Pilipinas. Naging daan itopara lumobo ang implasyon na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng mgabilihin. Ang resulta, kulang na muli ang ating mga ipinadadalangpantustos sa mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya.

Karagdagang pasanin parito’y ang batas na ipinasa na sa senado hinggil sa sapilitangpagpapasapi sa mga ofw sa SSS na tinatayang itataas ang premium sapagpasok ng taong 2019. Pinatutunayan talaga na tayo’y kanilang mgagatasang baka, habang patuloy naman ang problemang dinaranas ngating mga kapwa migrante sa ibang bansa tulad ng ating mga kababayangdalawang buwan ng stranded sa Saudi at ang hindi parin napapalayangsi Mary Jane Veloso. Tuluyang naglaho ang pangako ni pangulongDuterte na resolbahin ang kawalan ng hanapbuhay sa ating bansa upangtayo’y maengganyong bumalik at maiwasan ang malawakang paglikas sabansa dulot ng kahirapan.

Nagpapatuloy ang kawalangkasiguruhan natin sa malaya, masagana at matiwasay na pamumuhaybilang karapatan natin sa pagiging tao sa patuloy na lumalalangsitwasyong pang-ekonomiya at pulitika ng bansa. Nakalalaya atnapapawalang sala ang mga mandarambong sa kabang yaman ng bansa atnakakapanatili sa kapangyarihan (Gloria Macapagal Arroyo, ImeldaMarcos at Bong Revilla). Habang ang mga tagapagtanggol ng karapatanat tunay na mga nagmamalasakit sa bayan ay ginigipit, dinadakip atsinasampahan ng gawa gawang kaso at sinisira ang kredibilidad ( Sis.Patricia Fox, Satur Ocampo, rep. France Castro atbp.)

Patuloy ang maniobra ngadministrasyong ito na makontrol ang buong struktura ng gobyerno sapagpwesto ni pangulong Duterte ng kanyang mga kasapakat at masugid attapat na mga politiko at mga heneral. Maging sa korte suprema sakasalukuyan ay mayruon siyang walong hinirang sa kabuuang 15 mgahuwes. Hindi parin nawawala ang banta na mabago ang saligang batas ngPilipinas upang higit na mapalawig ang kanyang kapangyarihan kasamaang mga kasalukuyan niyang mga kaalyadong politiko. Higit nanagkakahugis sa pambansang saklaw ang Batas Militar upangisakatuparan ang kanilang interes. Upang matiyak din ang pagkapanalong mga mandarambong sa susunod na eleksyon ay muling ipinupuslit namaipaloob sa 2019 budyet ang idineklarang ng labag sa konstitusyongPDAF o pork barrel.

Hindi pa rito natataposang pagsikil sa ating pagkatao. Itinatali pa ang bawat isa sa atinbilang mamamayan ng ating bansa sa obligasyon sa pagbabayad ng utangsa mga agrabyadong kasunduan sa bansang Tsina na sa kasalukuyan ayumaabot sa USD 124M. Bagaman panglima lamang ang Tsina sa mganagpapautang sa ating bansa, ang napakalaking peligro rito ay angkilalang katangian nitong magbigay ng kondisyong ilagay bilangkolateral sa pautang ang mga likas na yaman ng bansa, bukod pa sakasalukuya’y nang-agaw na ito ng bahagi ng ating bansa. Tulad nalamang ng nangyari sa mga bansang Sri Lanka na kung saan napilitanitong paupahan ng 99 na taon sa Tsina ang kanyang estratehikongdaungan.

Sa prinsipyo ng kabuuan,malaking bahagi sa ating karapatan bilang tao at bilang mamamayangPilipino ay nalalabag at patuloy na nilalabag. Kung hindi ito ang mgabagay na bumubuo ng ating mga karapatan bilang tao, anong mga bagaypa ang kailangang yurakan para higit nating maintindihan na kailangannatin itong ipaglaban. Ibangon natin ang ating pagkatao! Ipaglabanang ating mga karapatan bilang tao! Tayo’y tao na may karapatan sabuhay at mabuhay!

ITIGIL ANG PAMAMASLANG !

IPAGLABAN ANG ATING KARAPATAN ! ITAGUYOD ANG KARAPATANG PANTAO !

ITIGIL ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO !

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *