Category: Countries

  • Ibangon at buhayin ang naghihingalong demokrasya

    Ibangon at buhayin ang naghihingalong demokrasya

    Ang mga balangay ng organisasyong MIGRANTE at pamilya nito kabilang ang iba pang mga kababayan sa Italya ay mariing tumututol sa mala-BATAS MILITAR na pamumuno ng pasistang rehimeng Duterte sa Pilipinas, batay sa katibayan ng malalaking paglabag sa karapatang pantao laban sa mga maralita, lumalaking bilang ng extra-judicial killings (EJKs), at ang malawak na represyon laban sa mga tagapangtanggol ng karapatang pantao at laban sa kanyang mga kritiko.

    Sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, nalugmok ang Pilipinas sa pinaka malubhang krisis sa karapatang pantao mula ng matapos ang diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. (1971-80). Kamakailan lamang, itinulak niya ang mga mambabatas na palawigin ang batas militar sa Mindanao. Upang makapanghikayat, lumikha ng eksenang pambobomba sa Mindanao, ibinintang at nagsampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga progresibong grupo na sa kalauna’y napatunayang isang panlilinlang. Nagpakulong ng mga kilalang kritiko sa kanyang gobyerno at nag utos ng pagdakip ng walang warrant na minsan nang nangyari sa kasaysayan nuong panahon ng diktaduryang Marcos.

    Nuong 2017,sa pangunguna ng kanyang mga masugid na alyado,tinanggalan ng budget ang Commission on Human Rights bilang pagganti nito sa mga pagsisikap na imbestigasyon sa kampanya laban sa droga. Sa harap ng matinding pandaigdigang pagbatikos, ginamit ng administrasyong Duterte ang taktika ng pagtanggi, sa kabila ng mga malaganap at dokumentadong ulat ng midya at ng iba’t ibang grupong pangkarapatang pantao sa mataas na bilang ng pagpatay na nag-uugnay sa gera ni Duterte laban sa droga bilang pangunahing dahilan. Ang kanyang “War on Drugs” ang kumitil sa buhay ng tinatayang 12 libong tao na karamihan ay mga maralita at inosenteng kabataan.

    Sa ilalim ng diktadurya ni Duterte ayon sa grupong KARAPATAN, mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017, umabot na sa 113 ang kaso ng EJK, 222 ang tangkang EJK, 256 ang iligal na pag-aresto at pagkulong, 924 ang iligal na pag-aresto , 426,170 ang sapilitang paglikas dulot ng militarisasyon, 29,623 kaso ng paggamit ng mga militar sa pampublikong lugar at 624,617 ang kaso ng walang patumanggang pamamaril at pambobomba sa mga sibilyan. Ang mga ulat na ito ay patuloy na tumataas hanggang sa kasalukuyan dulot ng hindi masawatang mga paglabag.

    Minamadali at ipinipilit ang Pederalismo sa pamamagitan ng pagbabago ng ating konstitusyon, sukdulang makipag-alyansa ang pamahalaang Duterte sa mga korap at tanyag na tagapaglabag ng karapatang pantao tulad ng mga Marcos at ni Gloria Macapagal Arroyo na sapilitang naging presidente ng mababang kapulungan. Sa kabila ng makailang ulit na pagpapahayag sa publiko ng kanyang pagbibitiw, mariin naman niyang iniendorso si Bongbong Marcos bilang kahalili niya na wala nang pagsasaalang-alang sa konstitusyon.
    Ang pag-aasta ng rehimeng ito na kampion ng soberanya ng Pilipinas ang siya mismong nagbenta nito sa Tsina sa usapin ng West Philippine Sea. Binalewala ang nakamit nating tagumpay sa International Court of Arbitration na nagdesisyon na ang mga naturang teritoryo ay saklaw ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ), kapalit ang mga kaduda dudang pautang at mga kasunduan sa pagbili ng mga armas.

    Tinahak ni Duterte ang paraang pagpapatahimik sa kanyang mga kalaban sa politika at mga kritkiko sa halip na giyahan ang sitwasyong pang-ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ng kanyang rehimen lumobo sa 6.4 % ang implasyon nitong Agosto, pinakamataas sa buong Asya. Ibig sabihin nito, ang kalakal na nagkakahalaga ng P 100 ay ngayo’y P 106 na. Ang halaga ng piso ay umabot sa P 54 kontra USD 1, higit na humina ng tulad ng 13 taong nakalipas. Ayon sa IBON Foundation, isang indipendenteng organisasyon sa pang-ekonomiyang pananaliksik, tinatayang ang pinakamahirap na anim na decile (isa bawat ika-sampung hinating bahagi) ng pamilyang Pilipino na may buwanang kita mula P 724 hanggang P21,119 ay dumaranas ng pagkawala ng kita mula P455 hanggang P 3,781 bunga ng implasyong dulot ng batas sa buwis na TRAIN mula lamang Enero hanggang Agosto ngayong taon.

    Ibayong pagkalugmok ng mga karapatan ng mga manggagawa ang hatid ng patuloy na kontraktwalisasyon sa harap ng kanyang mga inutil na pangakong wawakasan niya ang kontraktwalisasyong sa bansa. Sa halip na isakatuparan sana ang Pambansang Industriyalisasyon na lilikha ng matatag at matagalng hanapbuhay at malutas ang pwersahang migrasyon, ipinagmamayabang pa niya ang bilyong ekonomikong kapalit sa bawat bansang kanyang pinupuntahan, na wala namang ibang layunin kundi higit pang pahigpitin ang pangangalakal ng lakas paggawa nating mga Pilipino.

    Wala ring humpay ang mga militar sa kanilang patuloy na pagtugis sa mga Lumad at iba pang mga katutubo sa ating bansa upang pagsilbihan ang operasyon ng mga dambuhalang mga korporasyong internasyunal sa pagmimina na walang ibang hangad kundi ang ganansya at tubo sa kapinsalaan naman ng pag-unlad ng mga mamamayan. Gayundin ang pag-aaruga nila higit sa mga malakihang pagtrotroso at malawakang mga plantasyong pang-eksport na kalakha’y pag-aari ng mga dayuhang monopolyong multinasyunal.
    Ang diktadurya ni Duterte ay pagbabadya ng pagpatay sa demokrasya ng ating inang bayang Pilipinas.

    TUTULAN ANG MALA-BATAS MILITAR NA DIKTADURYA NG REHIMENG DUTERTE!
    LABANAN ANG TIRANIYA! ITAGUYOD ANG DEMOKRASYA!
    ITIGIL ANG PAMAMASLANG!

    MIGRANTE CHAPTERS IN ITALY
    (ROME, CASERTA, FIRENZE, BOLOGNA, MILAN, COMO AND MANTOVA)
    For references:
    E-mail: [email protected]
    [email protected]

  • Paanyaya ng Umangat-Migrante sa kanilang ika- 20 taong Anibersaryo

    Paanyaya ng Umangat-Migrante sa kanilang ika- 20 taong Anibersaryo

    https://www.facebook.com/100010781949568/videos/591737564528970/

  • Ipagtanggol ang ating karapatan, labanan ang pagbawi sa mga nakamit  na tagumpay ng uring manggagawa !

    Ipagtanggol ang ating karapatan, labanan ang pagbawi sa mga nakamit na tagumpay ng uring manggagawa !

    Ipinagdiriwang natin ngayong Mayo Uno ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ngunit ano nga ba ang esensya ng okasyong ito sa atin bilang mga manggagawang Pilipino na nasa labas ng bansa? Isa lamang ba itong pista opisyal sa ating kalendaryo? Sapat na ba ang pansamantalang tumigil sa ating pang-araw araw na nakagawian, ang paghahanapbuhay?

    Ang pagtakda ng pandaigdigang araw na ito noong 1904 ay hudyat ng patuloy na lumalaking bilang at tumitibay na organisadong pwersa ng uring manggagawa. Sa kanilang mala-aliping kundisyon sa paggawa nalilikha ang yaman sa lipunan. Ang mga tinatamasa nating mga karapatan at benepisyo sa kasalukuyan ay bunga ng mga napagtagumpayan mula sa kanilang sama-sama, militante , at buhay at kamatayang pagkikibaka. Mula sa 16 na oras bawat araw na paggawa ay nakamit ang walong oras bawat araw at iba pang mas makataong kundisyon sa paggawa.

    Ang Mayo uno ay isang simbolo ng organisado at mulat na manggagawa. Simbolo ito ng tagumpay ng uring manggagawa at buong mamamayan sa daigdig laban sa mga naghaharing uri at kapitalistang pagsasamantala. Makalipas ang mahigit isang daang taon, patuloy na nagiging napakahalaga ng simbolong ito, laluna sa harap ng matinding atake ng mga mapagsamantalang uri upang bawiin ang mga tagumpay na nakamit at ipatanggap ang di makatarungang kaayusan sa paggawa bilang normal na takbo ng ating pamumuhay sa lipunan.

    Hindi makatarungang tumanggap ng mababang sahod na di sapat sa ikabubuhay ng pamilya habang ang kapitalista’y walang lugar na mapagtapunan ng kanyang limpak limpak na tubo ! Hindi natin dapat tanggapin na normal ang kaayusan kung saan walang kapangyarihang panlipunan ang mga lumilikha ng yaman ng lipunan ! Habang ang mga kapitalista’t naghaharing uri ang syang nagdedesiyon ng ating kabuhayan at kinabukasan.
    Ang patuloy na pagtalikod ni Pangulong Duterte na pawiin ang kontraktwalisasyon ay isang halimbawa nito. Higit na kinakatigan niya ang sulsol ng mga kapitalista at burukrata na tuwirang nakikinabang sa mga anti-mangagawang mga batas at patakaran sa paggawa.

    Ang ipinatupad na Department Order 174 ng DOLE ay higit pang nagpapatibay ng kontraktwalisasyon sa bansa. Pinapatanggap na isang normal na kaayusan ang pagkamal ng labis na tubo ng mga kapitalista kung kaya’t tama lang tanggapin ang kompromisong ito. Naghuhugas kamay ang Pangulo sa pagpasa ng desisyon sa kongreso na kontrol ng mga kapitalista’t mapagsamantalang uri.

    Hindi kataka-taka na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga mangagawang Pilipino sa ibayong dagat. Sa sitwasyong wala o kulang ang trabaho, patuloy din sa pagtaas ang halaga ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, tirahan, edukasyon, pagpapagamot, atbp. Sa ganitong kaayusan, ang pangingibang-bayan at ang pagbugaw ng gubyerno sa mga bansang nangangailangan ng murang lakas paggawa ay nagiging “normal” na kalakaran.

    Namamanhid na ba talaga at tanggap nang may di mabilang na kababayang malagay sa peligro ang buhay, tulad na lang ng nagaganap ngayon sa Kuwait ? Sa lumalalang relasyon ng dalawang bansa ay apektado ang mahigit 200 libong kababayan. Kailangan bang ulit ulitin ang kapalaran at karanasang sinapit ng kababayang tulad nina Joanna Demafelis, Dondon Lanuza, Flor Contemplacion, Mary Jane Veloso, at ng iba pa? Hanggang kailan tayo papayag sa kaayusang tayo’y mistulang produktong pinagkakakitaan ng gobyerno at ang katiting na serbisyong ating natatanggap-kung mayroon man-ay mga pamatid-uhaw lamang sa katarungang panlipunang matagal na nating inaasam?

    Ang mga ahensyang POEA, DOLE, OWWA, Overseas Filipino Bank katulong ang iba pang mga ahensya tulad ng DFA, DT, at DBM ang mga haligi ng pagpiga ng tubo mula sa “produkto” ng migrasyong Pilipino. Ito ang “normal” na kaayusang pilit ipinatatanggap sa atin ng kasalukuyan at mga nagdaang gobyerno.

    Ang POEA ang nagsisilbing “ligal” na recruiter , ang DFA at DT ang mga taga lako ng murang lakas paggawa, ang DBM ang arkitekto at tagaplano at ang OFBank ang taga likom ng kita. Ang OWWA ang tagabuhos naman ng malamig na tubig at tagapagbigay ng pag-asang may kapalit na serbisyo ang mga binayad at sakripisyong ginagawa ng ating mga kababayan. Lahat ng ahensyang ito’y nagsisistematisa sa paghuthot ng ganansya mula sa migrasyon.

    Hindi sinsero ang gobyerno ni Duterte na bigyan ng pangmatagalang solusyon ang problema ng migrasyon sa Pilipinas. Tinalikuran na niya ang pangakong pambansang industriyalisasyon, at nagsasariling patakarang panlabas. Binalahura ang usapang pangkapayapaan at binabalewala ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reform (CASER) na naglalaman ng mga kongkretong hakbangin at repormang papabor sa naghihikahos na mamamayan.

    Ang atake sa paggawa at sa mga tagumpay na nakamit nito ay pandaigdigan sapagkat hindi nalilimitahan ang pag-ikot ng kapital sa iisang bansa lamang. Maging ang mga kapatid nating manggagawang Italyano ay hindi ligtas sa atakeng ito. Ang pleksibilisasyon sa paggawa na pangunahing nilalaman ng batas na Job’s Act , delokalisasyon ng mga pabrika, at malaganap na kontrol ng mga “kooperatiba” ay ilan lamang sa mga kongkretong pagbawi sa mga karapatan ng manggagawang Italyano .
    Isang malaking dagok ito sa mga manggagawa kung saan nakasaad mismo sa konstitusyon na, ang Italya ay isang demokratikong republika na itinatag sa paggawa.

    Ang soberanya nito ay nagmumula sa mamamayan na nagpapatupad nito sa lahat ng anyo nang naaayon sa konstitusyon (artikulo 1). Masahol pa, pinag-aaway ang mga lokal at mga dayuhang manggagawa sa pagpapatingkad ng razzismo.

    Higit kailanman ay kailangan ang mahigpit na pagkakaisa nating mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat sa pagtatanggol sa ating mga karapatan. Kasabay nito’y kailangan nating mapahigpit ang pakikipagkaisa sa kapwa nating manggagawang Italyano at iba pang lahi. Ipagtanggol natin ang nakamit nang mga karapatan sa paggawa Tutulan ang mga anti-manggagawang batas at patakaran ng gubyerno sa Pilipinas at Italya.

    Isulong ang ating karapatan sa sahod, benepisyo at makataong kundisyon sa paggawa.
    Bilang migranteng Pilipino sa ibayong dagat tungkulin nating suportahan ang pakikibaka ng mga kababayan sa loob ng ating bansa sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan at kagalingan . Tungkulin din nating iugnay ito sa internasyunal na pakikibaka ng uring manggagawa sa buong daigdig. Sa ganitong paraan lamang natin malalabanan ang pag-atake sa paggawa at pagbawi sa mga nakamit na tagumpay nito.

    Mabuhay ang Uring Manggagawa sa Buong Daigdig !!! Mabuhay ang Migranteng Pilipino !!!

    ITAGUYOD ANG PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON !
    IPATUPAD ANG TUNAY NA REPORMANG AGRARYO !

    PAWIIN ANG KONTRAKTWALISASYON ! IBASURA ANG ‘ENDO’ !

    WAKASAN ANG LABOR EXPORT POLICY ! IPATUPAD ANG MIGRANTS’ AGENDA !

    IPAGPATULOY ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN ! APRUBAHAN ANG CASER !

    Umangat-Migrante ROME; Migrante – MILAN; Kapit-Bisig Migrante MILAN; Migrante BOLOGNA; Migrante MANTOVA (KP) ; Migrante CASERTA (KP); Migrante COMO (KP); Migrante Firenze

    References:

    [email protected] 

    [email protected]

  • Sister Pat

    Sister Pat

    “It is part of my religious mission to stand with the poor” – Sr. Patricia Fox.

    Mga pahayag mula kay Sr. Pat, mother superior ng Our Lady of Sion Congregation sa Pilipinas. Kamakailan lamang ay naging laman siya ng mga balita sa loob at labas ng bansa dahil sa iligal na pagdakip at pagkulong ng Bureau of Immigration sa kanya.

    Si Sr. Pat ay 27 taon nang nagsasagawa ng kanyang missionary work sa hanay ng mga magsasaka at katutubo sa Gitnang Luzon. Pinaparatangan siya ngayong ‘undesirable alien’ ng gubyernong Duterte dahil umano sa kanyang pagsali sa mga ‘political activity’. Ngayon ay nahaharap siya sa posibleng deportasyon. Naglabas na ng kautusan ang Bureau of Immigration na kailangan ng umalis ng bansa ni Sr. Pat sa loob ng 30 araw.

    Nakadaupang palad ko si Sr. Pat taong 2014. Ito ang panahong nagkaroon ako ng interes na tumungo sa Hacienda Luisita sa Tarlac upang alamin ang tunay na kalagayan ng mga magsasaka roon. Sa  araw ng sabado at linggo kung saan walang trabaho ay nakakadalaw ako sa Hacienda.  Minsan sa aking pagbisita ay nataon na nagaganap ang isang Peasant Women International Fact Finding Mission na pinangunahan ng AMIHAN National Federation of Peasant Women at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA upang imbestigahan ang direktang pagkamkam sa lupa ng mga Cojuanco-Aquino sa pamamagitan ng tambiolo (raffle draw) lot allocation scheme sa ilalim ng nakaraang gobyerno Aquino.

    Ang IFFM ay dinaluhan ng mahigit 20 katao, 8 rito ay observers mula sa iba’t ibang international organizations mula sa mga bansang Australia, Indonesia, Malaysia at Taiwan. Dito ko unang nakita si Sr. Fox. Kapansin-pansin kay Sr. Pat ang pagkamababang loob nito, hindi naiinip sa mga diskusyon na ‘tila palaging kalma at marunong naring magsalita ng tagalog.

    Mapalad akong makadaupang palad ang mga taong katulad ni Sr. Pat. Isa sa mga unang taong nagpatunay sa akin, na may mga nilikha sa mundo na handang ialay ang kanilang oras, lakas at talino para iangat ang interes ng mga magsasaka at katutubo, ang uring madalas inaapi sa klase ng sistema o lipunan na mayroon tayo ngayon. Ang kanyang pagsama kung nasaan man ang mga magsasaka at katutubo ay patunay lamang na tinutupad nito ang kanyang sinumpaang tungkulin sa kanyang pananampalataya na kalingain ang mga mahihirap.

    Para sa iilan madali lamang manghusga sa kung ano ang pagkatao ni Sr. Pat, madali lamang  ipagkibit-balikat ang inhustisyang kanyang naranasan sa bayan na kanya mismong minahal lalo na’t kung sa telebisyon at Facebook lamang ang batayan ng kuro-kuro at opinyon. Pero para sa mga taong nakasalamuha ni Sr. Pat at sa mga magsasaka na kanyang walang imbot na pinagsilbihan, hindi matatawaran ang kanyang ipinamalas na pagmamahal para sa mga mamamayang hindi naman niya kadugo o kalahi.

    Mabuhay ka Sr. Pat at ang libong taong katulad mo nanagsisilbi sa interes ng mga mahihirap.

     

    Marie Mercado, President

    Nagkakaisang Pilipino sa Pransya

  • Mensahe ng pakikiisa kina Jerome Aba, Sr. Pat atbp tagapagtanggol ng karapatan

    Mensahe ng pakikiisa kina Jerome Aba, Sr. Pat atbp tagapagtanggol ng karapatan

    Mariing kinukundena ng Nagkakaisang Pilipino sa Pransya (NPSP) ang di-makatarungang deportasyon ng gubyernong Estados Unidos kay Jerome Succor Aba, isang lider Moro at peace advocate sa Pilipinas.

    Si Jerome ay ang Vice-Chairperson ng Sandugo (Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination). Kinulong siya ng 28 oras noong ika-17 hanggang ika-18 ng Abril 2018 sa San Francisco International Airport habang pinipigilang makapasok sa loob ng US. Tinanggihan ng mga opisyales ng US ang kanyang karapatang kumausap ng abugado, tinanggihan ding makipag-usap sya sa kanyang mga kaibigan at host sa San Francisco.

    Kinumpiska ng US ang kanyang pasaporte at bagahe, ginapos, nilipat-lipat sa limang kulungan, at pinaranas ng pisikal at sikolohikal na pagpapahirap.

    Nakatakda sanang dumalo si Jerome sa Ecumenical Advocacy Days (EAD) for Global Peace with Justice sa Washington DC noong ika-20 hanggang 23 ng Abril. Panauhin din sya sa iba’t ibang pagtitipon sa USA upang magsalita tungkol sa kalagayan ng mamamayan sa Mindanao sa ilalim ng administrasyong Duterte.

    Ang pagkulong, pagmamalupit at deportasyon ng US kay Jerome ay pumigil sa pagsisiwalat sa mamamayang Amerikano ng mga kalagayan sa Mindanao. Nilalantad nito ang papel ng USsa kalupitang dinaranas ng pambansang minorya sa Mindanao, laluna bilang resulta ng pambobomba, pagwasak at pagkubkob sa s yudad ng Marawi gamit ang mga armas at hukbo ng US. Daang libong Maranaw ang nawalan ng tahanan at kabuhayan, lumikas at hanggang ngayon ay hindi pinahihintulutan na umuwi.

    Kinukundena rin namin ang iligal na pagdakip at pagkulong ng Bureau of Immigration ng Pilipinas kay Sr. Patricia Fox noong ika-16 ng Abril. Si Sr. Pat ay ang Mother Superior ng Our Lady of Sion Congregation sa Pilipinas at 27 taon nang nagsasagawa ng kanyang missionary work sa hanay ng mga magsasaka at katutubo sa Gitnang Luson. Pinaparatangan sya ngayong ‘undersirable alien’ ng gubyernong Duterte dahil umano sa pagsali sa mga ‘political activity’.

    Pinalaya si Sr. Pat matapos ang isang araw ng iligal na pagkulong subalit iimbestigahan pa rin diumano ng gubyernong Duterte.

    Ang dalawang magkahiwalay na insidenteng ito’y manipestasyon ng makitid-na-pagiisip at kalupitan ng gubyernong Duterte at Trump laban sa mga kumikilos para sa kapakanan ng mahihirap at inaapi. Bilang mga manggagawang migrante, lubos na nakakabahala sa amin ang ganitong mga balita dahil araw-araw din naming kinakaharap ang ganitong panganib. Ang pag-atake kay Jerome at Sr. Pat ay pag-atake rin sa aming mga karapatan, laluna’t nabibilang din kami sa naghihirap at inaaping sektor dito sa Pransya at ang aming pamilya sa Pilipinas.

    Kaya naman nakikiisa kami sa iba pang tagapagtanggol ng karapatan sa buong mundo sa pagkundena at sa panawagan para sa hustisya para kina Jerome at Sr. Pat, at para sa iba pang biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

    Defend Human Rights Advocates!
    Stop Harassing Human Rights Defenders!
    Resist Crackdowns!

    Nagkakaisang Pilipino sa Pransya
    [email protected]

  • Paghahayag ng mabuting balita at pagtatanggol sa human rights, gawain ng mga misyonero

    Paghahayag ng mabuting balita at pagtatanggol sa human rights, gawain ng mga misyonero

    Maging bahagi sa paghahayag ng mabuting balita, pagpapanatili ng kapayapaan at pagtatanggol sa karapatang pantao.

    Ito ang pangunahing gawain ng mga misyonero ayon kay Sr. Beth Pedernal ng Missionary Sisters of St. Charles Borromeo, Scalabrinians na nakabase sa Roma.

    Nakagugulat kay Sr. Pedernal ang ginawang pag-aresto sa Australian Missionary na si Sr. Patricia Fox, NDS ng Bureau of Immigration kung saan inako ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos dahil sa ‘disorderly conduct’.

    We are pro peace! We want to be instrument of peace and that is also our way of being a missionary. Our being a living sign, testifying journeying with the people. Living out our call to holiness. To serve god and love God in the service of the people,” ayon kay Sr. Pedernal.

    Ipinaliwanag ni Sr. Pedernal na bilang Filipinong misyonero sa ibang bansa ay tulad din ng ginagawa ni Sr. Fox ang maging buhay na saksi ni Kristo.

    “Ako bilang misyonero sa labas ng Pilipinas at na-assign sa Estados Unidos for how many years at ngayon nandito sa Roma, nakikita ko at nauunawaan si Sr. Pat. Ako mismo kahit foreigner ako dito sa Roma, ako ay nakikisangkot sa mga migrante sa mga taong kailangan ang tulong upang bigyan ng pansin ang karapatan ng mga migrante hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng iba pang manggagawa,” paliwanag ni Sr. Pedernal.

    Sinabi ng Madre na ang pagiging misyonero ay sa pamamagitan ng pakikisalamuha, pakikilakbay kasama ang sambayanan at pagtatanggol ng kanilang karapatan para sa kadakilaan ng Panginoon.

    Si Sr. Pedernal ay isa sa tatlong misyonero na nakabase sa Roma na kabilang sa 23 madre na bumubuo ng Scalibrian congregation sa Pilipinas.

  • Mensahe ng Pakikiisa ng Migrante-Europe sa Pagkakatatag ng Gabriela-Germany

    Mensahe ng Pakikiisa ng Migrante-Europe sa Pagkakatatag ng Gabriela-Germany

    Mula sa Migrante-Europe, isang taas kamaong pagsaludo ang aking ipinapaabot sa mga kasapi at opisyales at mga panauhin at tagasuporta ng Gabriela-Germany sa araw inyong pagkakatatag.

    Makasaysayan ang pagtitipon ninyong ito sa Berlin sapagkat ito ay simbolo ng inyong pagkakaisa na harapin ang hamon ng mga isyung kinakaharap ng sektor ng kababaihang Pilipino sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo.

    Sa ilalim ng gobyernong US-Duterte, ang mga kababaihan ang isa sa mga sektor na apektado ng kanyang di-makatarungan, kontra-mamamayan at makadayuhang-interes na polisiya at pamamahala.

    Sa dulo ng anti-drug war ng US-Duterte na walang pagrespeto sa karapatang pantao ng libu-libong mga biktima na inosente at suspetsado na pinagkaitan ng karapatang ipagtanggol ang sarili sa batas at hukuman ay halos mga mahihirap na mamamayan at marami sa kanila ay mga kababaihang nawalan ng asawa, anak at katuwang sa buhay.

    Ang pabigat ng bagong buwis na isinabatas ng US-Duterte sa mamamayang Pilipino ay dagdag na pasanin para mga kababaihang malaki ang ginagampanan sa paghahanap-buhay at pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng isang pamilya.

    Dito sa Europe kabilang na ang Germany, ay maraming mga kababaihang Pilipino ang nakakaranas ng hindi-makatarungang pagtrato mula sa kanilang katuwang sa buhay, kasamahan sa trabaho at maging sa kanyang kinabibilangang komunidad.

    Ang pagkakatatag ng Gabriela-Germany ay simbolo ng inyong kolektibong paglahok na gampanan ang tungkulin sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa katarungan, kapayapaan at ganap na kalayaan.

    Mabuhay ang Gabriela-Germany!

    Mabuhay ang mga kababaihang Pilipinong nakikibaka para karapatan at katarungan!

    Mabuhay mamamayang Pilipinong nakikibaka sa para sa ganap na kalayaan at demokrasya!

    Mabuhay ang sambayanan Pilipino!

    Father Herbert Fadriquela
    Chairperson
    Migrante-Europe

  • Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

    Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

    Marso 8, 2018, Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, nakikibahagi ang Nagkakakaisang Pilipino sa Pransya o NPSP sa pagdiriwang na ito bilang pagkilala sa karapatan at kagalingan ng mga kababaihan. Pagkilala sa karapatan ng pagkakaroon ng disenteng pamumuhay sa sariling bansa at balang araw hindi na mapipilitang makipagsapalaran sa ibayong dagat para lamang buhayin ang pamilya.

    Kinikilala namin ang bawat kababaihang matatag at matapang na humahaharap sa anumang hamon ng buhay. Lubos ang aming paghanga sa mga kababaihang nanatiling nakatindig at lumalaban sa iba’t-ibang isyung panlipunan sa loob at labas na bansa. Ilan sa mga dahilan ng aming pagtindig sa araw na ito ay:

    – Para sa bawat migranteng ina na nawalay sa sariling pamilya upang itaguyod sila, patuloy nating ipinapanawagan ang sapat na trabaho sa loob ng Pilipinas, nakabubuhay na sahod at hindi ang pagtrato sa mamamayan bilang kalakal.

    – Para sa bawat babaeng inabuso, biktima ng diskriminasyon, harassment at represyon sa kabila ng mapait na pinagdaanan sa marahas na lipunan ay patuloy na sumusulong para itaguyod ang kanyang kapakanan, mga pangarap at karapatan.

    – Para sa bawat babaeng pinagkaitan ng sariling pagkakakilanlan,at nagiging biktima ng marahas na kamatayan katulad na lang ni Jennifer Laude at ibang trans women na patuloy na minamaliit at ipinakakait ng patriyarkal na lipunan, susulong kami kasama mo

    – Para sa kabataang makabayan katulad ni Myles Albasin sa gitna ng pasistang paghahari. Nagpupugay kami sa inyong kahandaang maglingkod sa masang Pilipino at kasabay ng paghanga ay ang pakikiisa namin sa ating mga panawagan.

    – Para sa babaeng bagani at mga babaeng namumuno sa kanilang mga komunidad upang ipagtanggol ang lupang ninuno katulad ng lumad lider na si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay

    Ang malaking bilang ng kababaihang migrante, malayo man sa bansa ay patuloy na nagsisikap upang makabalik sa sariling bayan. Sa araw-araw ay tangan namin ang pangarap ng disenteng pamumuhay, seguridad at kasaganahan hindi lamang para sa aming sarili bagkus maging sa bawat pamilyang Pilipino. Ganap lamang itong makakamtan at maisakakatuparan sa pagsusulong ng pagbibigay lunas sa ugat ng pwersahan at malawakang migrasyon patungo sa ibayong dagat.

    Mabuhay ang bawat migranteng kababaihan!
    Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

    ————————————————————————————————-
    8 mars 2018, La journée internationale des luttes des femmes et des minorités de genre:
    Nagkakakaisang Pilipino sa Pransya o NPSP lors de cette célébration en reconnaissance des droits et du bien-être des femmes. Reconnaître le droit à une vie décente dans le pays d’origine et un jour ne pas être contraint de s’aventurer à l’étranger pour simplement vivre sa famille.

    Nous reconnaissons chaque femme forte et courageuse qui fait face à n’importe quel défi de la vie. Nous sommes profondément impressionnés par les femmes qui se soulèvent et se battent dans diverses questions sociales à l’intérieur et à l’extérieur du pays. Nous nous sommes ici réunis :

    – Pour chaque mère migrante qui est s’éloignée de sa famille pour pouvoir subvenir à leurs besoins, nous continuons de réclamer un travail décent, aux Philippines, avec des salaires suffisants et un traitement humain.

    – Pour chaque femme maltraitée, pour les victimes de discrimination, de harcèlement, qui, malgré une société violente et répressive, continuent de progresser pour promouvoir leur bien-être, leurs rêves et leurs droits.

    – Pour chaque femme qui manque de reconnaissance et qui est souvent victime de mort violente, comme Jennifer Laude et d’autres femmes trans qui sont fréquemment rabaissées et privées par la société patriarcale, nous avancerons avec vous.

    – Pour une jeunesse patriotique comme Myles Albasin au milieu du régime fasciste. Nous saluons votre volonté de servir les masses philippines et, mis à part notre admiration, nous nous unissons à vous pour poursuivre nos causes.

    – Pour les femmes qui président leurs communautés pour défendre les terres ancestrales telles que le leader autochtone Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay.

    Le grand nombre de femmes migrantes, loin du pays, continue de s’efforcer de retourner dans leur pays d’origine. Chaque jour nous sommes les mains du rêve d’une vie décente, de la sécurité et de la prospérité non seulement pour nous-mêmes mais aussi pour chaque famille philippine. Cela ne peut être accompli et réalisé en luttant contre la cause profonde de la migration forcée et de masse vers l’étranger.

    Vivre toutes les femmes migrantes !

    Vivre le peuple philippin!

    Source: Nagkakaisang Pilipino sa Pransya

  • Gabriela Germany official launching

    Gabriela Germany official launching

    The inspiration to create the Gabriela Germany is drawn from the other Gabriela overseas chapters that have been existing not only in the United States but also in Europe (Italy, Denmark).

    In the Philippines, GABRIELA National Alliance of Women is a grassroots-based alliance of more than 200 organizations, institutions, desks and programs of women all over the Philippines seeking to wage a struggle for the liberation of all oppressed Filipino women and the rest of our people. While we vigorously campaign on women-specific issues such as women’s rights, gender discrimination, violence against women and women’s health and reproductive rights, GABRIELA is also at the forefront of national and international economic and political issues that affects women.

    Gabriela Germany is therefore an extension of the Filipino women’s struggle in Germany. At the same time it seeks to unite with other local organizations that struggle and advance for the same cause.

    GABRIELA stands for General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Education, Leadership, and Action. It is also named in honor of GABRIELA SILANG, the first Filipino woman to lead a revolt against the Spanish colonization of the Philippines.