Category: Messages

  • PARANGAL KAY KASAMANG MANUEL SARMIENTO, BAYANING PILIPINO AT KADRE NG URING MANGGAGAWA

    Ni Jose Maria Sison, Tagapangulong Emeritus International League of Peoples’ Struggle

    Disyembre 19, 2020

    Mga mahal na kababayan,Nagpapaabot ako ng pakikidalamhati sa pamilya at lahat ng mga malapit na kasama at kaibigan ni Kasamang Manuel Sarmiento sa kanyang pagpanaw noong Disyembre 11 sa Vienna, Austria. Dama natin lahat ang bigat nito tulad ng Sierra Madre. Subalit nasisiyahan tayo lahat na matagal at mabunga siyang naglingkod sa uring manggagawa at sambayanang Pilipino.Pagkakataon ngayon na magbigay tayo sa kanya ng Pulang saludo at pinakamataas na parangal sa kanya bilang bayaning Pilipino at kadre ng uring manggagawa dahil sa kanyang maningning, uliran at matagumpay na pagkilos at pamumuno sa kilusang paggawa sa maraming pakikutunggali sa mga dayuhang monopolyo at mga lokal na reaksyonaryo, magmula sa panahon ng pasistang diktadura ni Marcos hanggang sa panibagong pasismo ng tiranonbg Duterte.Mula sa pundasyon ng Kilusang Mayo Uno noong Mayo 1, 1980, kumilos siya bilang matatag at militanteng kadre ng KMU alinsunod sa pangkalahatang linya ng demokrating rebolusyon ng bayan at sa perspetkibang sosyalista. Naging ikatlong pangkalahatang kalihim siya ng KMU, kasunod nina Ka Rolando Olalia at Crispin Beltran. Sa batayang antas, organisador at tagapagtatatg ng FILIPRO-Nestle Philippines at naging presidente siya ng Drug, Food, and Allied Workers’ Federation, isa sa mga organisasyong tagapagtatag ng KMU. Siya ay isang accountant at mataas ang kanyang potensyal na maging opisyal ng management ng Nestle. Subalit pinili niyang manungkulan bilang kadre ng mga mangaggawa.Personal na nakasama ko si Ka Manny nang siya ay nagpostgrad studies sa Institute of Social Studies sa The Hague at nang siya ay lumalahok sa mga aktibidad ng komunidad ng mga Pilipino. Nang itinalaga siya sa Europa sa ilalim ng Migrante International, itinayo niya ang PINAS FIRST sa Vienna Austria at lalo pang nakasama ko sa mga pulong ng Migrante at ng International League of Peoples’ Struggle.Napansin ko ang mga katangian ni Ka Manny bilang kadre. Matatag, matalino at magiting laban sa kaaway subalit mapagpakumbaba sa paglilingkod sa uring manggagawa at sambayanang Pilipino. Tahimik magtrabaho, masipag at disiplinado. Nakatuon sa proseso at direksyon ng trabaho at mga miting. Mabait, matulungin at matiyagang magpaliwanag sa kapwa. Simple at matipid ang pamumuhay.Dahil sa mga bayani at manggawang kadre tulad ni Ka Manny, patuloy na lumalaki at lumalakas ang kilusang paggawa at demokratikong rebolusyon ng bayan sa panmumuno ng uring manggagawa. Pumanaw man sila sa anumang dahilan, nanatilii silang buhay sa ating diwa at damdamin, laging inspirasyon sila at laging buhay sila sa rebolusyonaryong kilusan dahil sa kanilang mga kongkretong ambag at halimbawa.Mabuhay ang alaa-ala ni Ka Manny! Mabuhay ang Kilusang Mayo Uno! Mabuhay ang Migrante International! Mabuhay ang kilusang paggawa! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

  • There is MIGRANTE at the frontline of the struggle of Filipino migrants and their families in Europe

    There is MIGRANTE at the frontline of the struggle of Filipino migrants and their families in Europe

    Solidarity message from MIGRANTE – Japan

    We, in MIGRANTE Japan extend our warmest solidarity greetings to all member organizations of MIGRANTE Europe on the occasion of its 2nd Congress on December 8, 2019.

    In your congress theme, “Broaden and strengthen the ranks, defend the collective gains and advance the struggle for the rights and welfare of Filipino migrants and their families”, it aptly sets the urgent call to continue arousing, organizing and mobilizing the broadest number of patriotic Filipino compatriots throughout Europe for the defense and advancement of their legitimate rights and interests. It inspires us knowing that on your side of the globe, there is MIGRANTE Europe at the frontline of the struggle of Filipino migrants and their families.  

    Currently, millions of our compatriots abroad are beleaguered with anti-migrant policies that treat them like disposable commodities and without respect for basic human rights. Worse, the Philippine government which is mandated to protect us against any form of abuse and exploitation has extended its assault to progressive Filipino compatriots abroad who are working for the defense of their rights and the Motherland. They too have become victims of the vilification campaigns of the tyrannical regime of president Duterte and have been red-tagged as terrorists. All these pose great challenge to all patriotic Filipino compatriots around the world. 

    But we cannot be cowed by a tyrant. Our noble task of championing the cause of Filipino migrants and their families is legitimate, and it is valid. Amid all the attacks against us, we should be proud knowing that the strength and widening movement of progressive migrant Filipinos around the world is continuously growing. And the holding our your 2nd congress is a clear testament to this.

    MIGRANTE Europe stands as the moving force among overseas Filipinos and their families in that part of the globe. We are very sure that your 2nd congress will fire you up even more to struggle vigorously for your rights and welfare as part of the national democratic struggle of the Filipino people for social justice, national freedom, sovereignty and democracy. 

    Continue to inspire millions of migrants around the world! Carry on the noble task of liberating our people against the onslaught of the US-Duterte dictatorship! 

    Mabuhay ang MIGRANTE Europe!
    Mabuhay ang migranteng Pilipino saan mang panig ng mundo!

    MIGRANTE – Japan
  • Message to Migrante Canada from the FDWA-UK

    Message of solidarity from Phoebe Dimacali, President of the Filipino Domestic Workers – United Kingdom, on the occasion of the founding assembly of Migrante Canada.

  • Bukas na Liham para kay DFA Secretary Cayetano mula sa Migrante Italy at Migrante Europe

    Bukas na Liham para kay DFA Secretary Cayetano mula sa Migrante Italy at Migrante Europe

    Honorable,
    Secretary Allan Peter Cayetano
    Department of Foreign Affairs
    Government of the Republic of the Philippines

    28 January, 2018

    Dear Hon. Secretary,

    BUKAS NA PAHAYAG HINGGIL SA MGA KAHILINGAN, PANAWAGAN, PAGTUTOL AT AGAM-AGAM LIKHA NG MGA KAGANAPAN SA INANG BAYAN.

    “Labis naming ikinagagalak at pinasasalamatan ang inyong pagdalaw sa aming pamayanan migrante dito sa Milan at Italya upang maging daan para maiparating sa iyong kaalaman ang mga nabanggit gaya ng nasa itaas.”

    1.) HINGGIL SA KALAGAYAN NG KAPATID NA MIGRANTE, MARY JANE VELOSO.

    Hindi na lingid sa inyong kaalaman ang malupit at kawawang kalagayan ni M.J. Veloso na ilang taon na rin nakapiit sa selda sa ibayong dagat sa bansa ng Indonesia sa kasong kinasasangkutan ng “drugs traficking” sang-ayon sa awtoridad ng naturang bansa. Subalit, sa paniniwala ng marami kasama kami migrante, ang naturang akusasyon ay hindi pa rin pumapabor sa ilalim ng “standard legal proceedings” hangga’t ang kanyang karapatang umapela sa Korte ay nananatiling ipinagkakait. Dahil dito, hinihiling namin sa inyong Tanggapan at Kagawaran kasama ang panawagan ng sambayanan na mabigyan ng tamang proseso at hustisya ang malupit na kapalaran ni M.J. Veloso gaya ng positibong posisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na nakikiisa sa panawagan ng sambayanan;

    2.) HINGGIL SA USAPIN ILEGAL NA PANANAKOP NG BANSA TSINA SA SCARBOROGH SHOAL AT BENHAM RISE.

    Isa sa mga binitiwang pangako ng Pangulo DU30 during his electoral campaigns ay ipaglaban ang sovereign rights at territorial integrity ng bansa at aniya “kung kinakailangan, pupunta ako roon at itatayo ko ang bandila ng Pilipinas, gagawin ko” Subalit, ’tila yata nagkamali ng bandila ang itinayo ng ating Pangulo DU30, sa halip na bandilang Pilipino, ang bandila ng Tsina ang kanyang itinayo.

    Ang naturang Shoal at Benham Rise, batay sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLS) ay legal at teritoryal na pag-aari ng Pilipinas at ito rin ang kumpirmasyon ng The Hague Tribunal decision noong July 2016. It is an exclusive maritime economic zone of the country and therefore it should be protected not only a question of sovereign rights and territorial integrity but a patrimony of the nation. Secretary, hiling namin sa inyo bilang nangunguna ang inyong Tanggapan at Kagawaran sa relasyong panlabas, na ipaglaban ang ating pambansang soberenya at dignidad panteritoryo. Kung hindi pa tayo tututol, baka wala na kaming dadatnan pa na Inang Bayan during our retirement and final homecoming for good sa dahilang nasakop na ng bansang Tsina ang buong Pilipinas.

    3.) MAXIMUM PROTECTION, SERVICES AND WELFARE ACCORDING TO RA 8042 BETTER KNOWN AS MIGRANTS ACT OF 1995.

    Hiling namin sa inyo ang makatotohanan at seryosong implementasyon ng naturang proteksyon, serbisyo at paglingap mula sa inyong Tanggapan, Kagawaran at mga kaakibat na ahensya ng gubyerno gaya ng OWWA, POEA, DOLE atbp. may kagyat na ugnay at kinalaman sa kalagayan ng migrante at kanila pamilya. Kahit kailan at kahit saang lugar, nananatiling bulnerable ang migrante hindi lang sa usaping relasyon sa trabaho, kultura at maging sa immigration policies sa bawat host country. Huwag na nating banggitin pa ang bulnerabileng sitwasyon sa pagitan ng mga pamilya naiwan sa Pilipinas, lalo na.

    4.) MGA USAPIN HINGGIL SA TRAIN LAW, CHA-CHA, TOKHANG, EJKs, HUMAN RIGHTS VILATIONS, CON-ASS, PEDERALISMO, MARTIAL LAW WITH PLANNED EXTENSION AND REV-GOV.

    Ang pag-iral at pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo na iyong sa parte ng basic commodities, pagtaas ng mga taxes ay malupit na nakapataw sa araw-araw na buhay ng mamamayan lalo na sa hanay ng maralita at di rin nakaligtas ang mga pamilya ng migrante habang sa kabilang banda, walang nagaganap na pagtaas ng sahod ng manggagawa, pesante, mga kawani ng gubyerno lalo na ang ating mga guro o dili kaya’y garansiya batas mula sa lehislatura o gubyerno, at kung mayroon ma’y ito’y para lamang sa AFP at PNP. This one leaves and provokes a big question… Bakit nga kaya?

    Ang “Tokhang”, EJKs at Human Rights Violations, kailanma’y di umiiral sa isang sibilisadong lipunan bagkus ito’y pangkaraniwang nagaganap sa ating bansa at lipunan at kalimitan ang nabibiktima ay pawang mga “street-level” suspects maliban pa mismo mula sa pamilya ng OFW o migrante at nakakalungkot isipin na batay sa stats, umaabot na sa 17 libo ang bilang ng bikitma sa paraang EJKs (killings/salvaging w/o judicial process maliban sa utos mismo ng Pangulo DU30). Dagdag pa, ang mga biktima ng EJKs sa hanay ng mga progresibo organisasyon gaya ng pesante, manggagawa, aktibista, human rights activist at mga lider katutubo..Kung susumain, ang lahat ng biktima ng EJKs ay mga grabe at matitinding paglabag sa karapatan pantao.

    Hinggil sa napipintong CHA-CHA, CON-ASS, REV-GOV, PEDERALISMO at Martial Law extension, ang aming interpretasyon ay malinaw na indikasyon may tunguhin diktadurya masahol pa sa panahon ng diktadurya Marcos; at sa huli,

    5.) ANG PANAWAGAN “RESUMPTION OF PEACE TALKS”.

    Through your good and respective Department, we the OFWs on global level call on both panels, the GRP and the NDFP to go back at the negotiating table and start anew and without delays the resumption of peace talks that is on stalled status after the successful 5th round of talks. Both panels must sincerely respect and adhere to agreements forged and signed bilaterally starting from The Hague Joint Declaration of 1992 and onward declarations and agreements. We have only one common goal and mission with such peace talks. “To find a solution to address the root causes of the decades armed conflict in the country”.

    Thank you for your kind attention with hope of fruitful visits with us in Milan and Italy.

    For reference: Nicolas “ka Mike” B. Montemayor, President
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe
    Migrante Italy & Chapters
    Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

  • Mensahe ng Pakikiisa ng Migrante-Europe para sa Asembliya ng Pagkakatatag ng Migrante-Philippines

    Mensahe ng Pakikiisa ng Migrante-Europe para sa Asembliya ng Pagkakatatag ng Migrante-Philippines

    Maalab na pagbati ang aking ipinapaabot sa mga kalahok at mga bisita at mga taga suporta sa Asembliya ng Pagkakatatag ng Migrante-Philippines.

    Ang inyong pagtitipon sa makasaysayang araw na ito ay simbolo ng inyong lakas at pagkakaisa para isulong ang interes at kagalingan ng mga Migranteng Pilipino at makapag ambag sa pang kabuuang pakikibaka ng mamamayang Pilipino laban sa kahirapan, mga paglabag sa karapatang pantao at kamtin ang mga batayang pagbabago sa ating lipunan. 

    Ang patuloy na pagdami ng bilang ng mamamayang Pilipinong nakakaranas ng pang ekonomiyang kahirapan ang isa sa mga nagtutulak upang araw-araw ay libu-libong mamamayan ang sapilitang iniiwanan ang pamilya at pamayanan at makipagsapalaran sa ibang bayan sa hangaring magkaroon ng pag unlad at kaginhawahan sa buhay. 

    Ang kahirapang bunga ng kawalan ng lupang sinasaka at sistemang usura na mapagsamantala ang nagtutulak upang ang mga kabataan at manggagawang-bukid sa kanayunan ay napipilitang makipagsapalaran sa ibang bansa.

    Ang sistemang kontraktwalisasyon at mababang pasahod sa pagawaan at pabrika ang nagtutulak upang ang mga manggagawang Pilipino ay napipilitang makipagsapalaran sa ibang bansa sa trabahong kahit hindi angkop sa kanyang napag aralan at kakayahan.  Ang kawalan ng makatarungang sahod ng mga Pilipinong propesyunal ang pangunahing nagtutulak upang ang ating bayan ay maibsan ng mga magagaling at matatalinong propesyunal. 

    Nais ko pong ipaabot sa inyo ang galak at tuwa ng bawat kasapi ng Migrante-Europe sa pagkakatatag ng Migrante-Philippines. Ang presensya ng balangay ng inyong organisasyon sa bawat barangay, munisipyo, syudad at probinsya ay nagpapatunay ng iyong lakas bilang isang organisasyon. Ito rin ay epektibong pamamaraaan upang makipagkapit-bisig ang Migrante-Philippines sa batayang sektor ng masang Pilipino upang maisulong ang pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon at ganap na pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad ng bayang Pilipinas. 

    Mabuhay ang Migrante-Philippines!
    Mabuhay ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para pambansang kalayaan at demokrasya!

    Reference:
    Father Herbert Fadriquela, Jr.
    Email: [email protected], +447456042156

  • Mensahe ng pakikiisa sa Ika-4 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Filipino Domestic Workers Association-United Kingdom

    Mensahe ng pakikiisa sa Ika-4 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Filipino Domestic Workers Association-United Kingdom

    Isang maalab na pagbati ang ipinapaabot ng Migrante Europe sa buong kasapian ng Filipino Domestic Workers Association-United Kingdom sa inyong ika-4 na anibersayo ng pagkakatatag. 

    Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga domestic workers sa isang maunlad na bansa katulad ng United Kingdom. Ang kalinisan ng bahay o opisina, masarap na pagkain sa hapag kainan at ang kasiguruhan may mag aaruga sa mga bata o may edad ng kapamilya ng inyong mga banyagang employer ay bunga ng inyong tapat na paglilingkod sa kanila. Ang inyong katapatan sa paglilingkod sa kanila ay nasusuklian din ng kanilang magandang pagtrato sa inyo, subalit hindi rin maikakailang may mga domestic helpers ding nakakaranas ng maltrato, di sapat ang sahod, walang pahinga at hindi tiyak ang kinabukasan sa trabaho. Bagamat mahirap ang kalagayang mawalay sa asawa, anak o magulang para mangibang-bayan at magligkod sa ibang pamilya, nagtiis kayo alang-alang sa inyong mahal sa buhay, na sila makaranas din ng pag-unlad at kaginhawahan. 

    Sa kabila ng inyong ambag sa pag-ulad ng ekonomiya ng mga mayamang bansa katulad ng United Kingdom, napakabulnerable ang kalagayan ng mga domestic workers lalo na yong mga walang legal na batayan para tumira at magtrabaho sa UK mula sa banta ng deportation at kawalan ng kaukulang suporta mismo sa Embahada ng Pilipinas. 

    Hindi matatawaran ang naging papel nating mga migrante at ng ating mga pamilya sa pagkakaluklok ng Pamahalaang Duterte sa poder ng Malacanang. Nangampanya tayo, nag organisa, bumoto at binantayan ang mga boto sa paniniwalang ang pamahalaan Duterte ay magbubukas ng pintuan para sa mga batayang panlipunang pagbabago sa ating bayan. Subalit, sa paglipas ng mga buwan, tila bingi ang Pamahalaang Duterte sa panawagan ng mamamayang Pilipino para sa mga pagbabagong tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at malayang pakikipagrelasyon sa ibang bansa. 

    Patuloy pa ring hikahos at walang pag-aaring lupa ang mga mayorya sa sektor ng mga magsasaka na karamihan sa ating mga migrante ay nabibilang. Hawak pa rin ng dayuhan at iilang lokal na negosyante ang mga estratehikong establisemento sa ating ekonomiya. Ang edukasyon sa ating bayan ay nakatuon pa rin sa programang “labor-export” samantalang ang batayang pangangailangan ng mamamayan ay nagmumula pa rin sa ating mga karatig bansa. Hungkag ang pangako ni Pangulong Duterte na wala ng Pilipinong mapipilitang magtrabaho sa ibang bansa upang bigyang kaginhawahan ang pamilya, sapagkat patuloy pa rin ang libo-libong manggagawang Pilipinong lumilisan araw-araw upang makipagsapalaran sa ibang bansa.

    Mga kasama, ng inyong Tema: “Muli nating panghawakan ang mga tagumpay..Palakasin ang hanay ng nga migranteng kababaihan sa United Kingdom!!!!!” sa inyong pagdiriwang ay napapanahon at makabuluhan. Kaisa ninyo ang Migrante Europe sa pagpupunyaging mapalakas pa ang inyong hanay at muling igiit ang ating mga batayang karapatan bilang manggagawa, bilang migrante, bilang Pilipino.

    Sa pagtatapos nais ko pong ipaalala sa bawat isa na walang ibang maasahang magsusulong sa interes at kagalingan ng migranteng Pilipino kundi tayo ring mga migrante at mga kasamang may malasakit sa kapwa migrante at may tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa. 

    Mabuhay ang Filipino Domestic Workers Association-United Kingdom!
    Mabuhay ang Migrante-Europe!
    Mabuhay ang Pakikibaka nga Sambayanang Pilipino para ganap at tunay na panlipunang pagbabago.

    Father Herbert Fadriquela
    Chairperson
    Migrante-Europe
    Email: [email protected]

    Revd Fr. Herbert F. Fadriquela Jr.
    Chaplain to the Filipino Community
    Diocese of Leicester
    Church of England
    Mobile Number: +447456042156

  • Mensahe ng Pakikikisa: Pangkalahatang Assembliya ng MIGRANTE at Gabriela sa Saudi Arabia!

    Mensahe ng Pakikikisa: Pangkalahatang Assembliya ng MIGRANTE at Gabriela sa Saudi Arabia!

    Maalab na pagbati ang ipinapaabot ng Migrante-Europe sa mga opisyales, kasapian, delegado at mga panauhin ng Pangkalahatang Assembliya ng MIGRANTE at Gabriela – Kingdom of Saudi Arabia!

    Ang krisis pang ekonomiya at ang kawalan ng makabuluhang pagkakakitaan sa Pilipinas ang pangunahing dahilan upang araw-araw libo-libong manggagawang Pillipino ay sapiliting iiwanan ang pamilya at kumonidad at makikipagsapalaran sa ibayong dagat. Ang Kingdom of Saudi Arabia ang isa sa mga bansang nagiging destinasyon ng migranteng Pilipino.

    Ang tumiding krisis pampulitika at pang-ekonomiya sa kaharian ng Saudi Arabia at Middle East maging sa loob at labas ng bansa, ay nagreresulta rin ng pagiging bulnerable ang manggagawang migranteng Pilipino at kanilang pamilya sa mga pagsasamantala, pang-aapi at pangaabuso.

    Ang lumalalang krisis pang ekonomiya sa buong mundo ay nararamdaman din dito sa Europa. Ang pagsara maraming pabrika at pagbawas ng pamahalaan ng maraming bansa sa Europa sa kaukulang budget para sa panlipunang kagalingan ng mga mamamayan ay may direktang epekto rin sa kabuhayan at karapatan ng maraming migranteng Pilipino.

    Ang mga nararanasan ninyo at ng inyong mga pamilya, kaibigan at kapwa manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia ay kahalintulad din sa karanasan ng maraming migranteng Pilipino saan mang daku ng mundo at ito ay mga buhay na patunay na hindi migrasyon ang sagot sa kahirapan at kawalan ng kabuhayan sa bayang Pilipinas. Ang pagpupustura bilang makamanggagawa at makamigranteng Pilipino ng Pangulong Rodrigo Duterte ay kabaliktaran ng “labor export policy” ng kanyang pamahalaan.

    Ang Tema ng inyong pagtitipon “MAPANGAHAS NA PUKAWIN, ORGANISAHIN AT PAKILUSIN ANG PINAKAMARAMING BILANG NG MANGGAGAWANG MIGRANTE AT PAMILYA UPANG IPAGLABAN ANG KANILANG KARAPATAN AT KAGALINGAN AT PARA SA TUNAY NA PAGBABAGONG PANLIPUNAN SA ATING BAYAN“ ay makabuluhan at napapanahon. Eto ay nanganghulugan ng matibay na pagkakaisa ng pinakamalawak na bilang ng migranteng Pilipino at ng kanilang pamilya at lumahok sa pagtataguguyod ng batayang interes at kagalingan ng manggagawang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia. Eto ay nanawagan ng isang kongkretong pagsulong para sa ganap na panlipunang pagbabago sa ating bayan. Ang inyong tema ay hindi lamang panawagan para sa inyo mga kabababayan at kapwa ko migranteng Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia. Eto rin ay panagawan para sa amin dito sa Europa at sa mga migranteng Pilipino sa ibat ibang bahagi ng mundo.

    Ang inyong kolektibong pagtugon sa panawagan ng inyong Tema ay malaking ambag sa ating pangkalahatang pagsusulong para sa ganap na panlipunang pagbabago sa ating bayan. Ang inyong pagtugon ay magbibigay din ng inspirasyon sa lahat ng nakikibakang migranteng Pilipino sa ibat-ibang bahagi ng mundo upang ibayong isulong ang paggiit ng ating karapatan sa trabaho at kabuhayan. Ang ating samasamang pagkilos at pakikibaka bilang migrante Pilipino saan mang dako tayo ng mundo ay ambag at pakikiisa natin sa lumalawak na kilusang pagbabago ng iba’t ibang sektor ng lipunan Pilipino para sa lupa, sahod, trabaho at karapatan.

    Mabuhay ang Pangkalahatang Asembliya ng MIGRANTE at GABRIELA – Kingdom of Saudi Arabia!
    Mabuhay ang migranteng Pilipino!
    Mabuhay ang Sambayang Pilipinong nakikibaka para ganap na panlipunang pagbabago!

    Reference: Father Herbert Fadriquela, Jr.
    [email protected]
    25 ng Hunyo, 2017

  • Mensahe ng pakikiisa para sa Ikalawang Kongreso ng Migrante Milan

    Mensahe ng pakikiisa para sa Ikalawang Kongreso ng Migrante Milan

    Mayo Uno 2017
    Via Teocrito 50 Angolo Via Cirenie 10, Milano

    Isang maalab na pagbati mula sa Migrante Europe ang ipinapaabot ko sa lahat ng kasapi ng Migrante Milan sa inyong Ikalawang Kongreso. Akoy nagagalak at umaasang sa inyong pagtitipon, mahalagang mabalikan ninyo ang naging gawain ng inyong organisasyon at nagkakaisang mapag-usapan at planuhin ang susunod na mga hakbang sa inyong gawaing paglilingkod partikular sa migranteng Pilipino at sa buong sambayanang Pilipino.

    Malaki ang naging papel ng Migrante Milan sa pagpapatampok ng mga isyung kinakaharap ng mga migranteng Pilipino sa ibat ibang panig ng mundo at mamamayang Pilipino sa ating bayan. Mula sa isyu na may direktang epekto sa ating mga migrante tulad ng “tanim-bala” at tahasang pagbukas ng mga “balikbayan boxes”, “travel tax at terminal fee” at tuwirang pagsingil ng SSS contribution sa mga Overseas Filipino Workers, ay naging aktibo rin kayo sa pakikiisa sa mamamayang Pilipino sa ating bayan lalo na sa mga kapatid nating katutubo sa kanilang pakikibaka para karapatan sa lupang ninuno; pakikibaka ng mga maralitang lungsod para sa karapatan sa trabaho at makatarungang sweldo at programang pabahay; at noong nakaraang ikalawa at ikatlong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines dinala nyo ang tinig at inihapag ang hinaing ng migranteng Pilipino sa magkabilang panig.

    Ang inyong napiling tema sa kongresong ito ay napapanahon. Ang inyong pagtitipon sa Pandaigidigang Araw ng Manggagawa ay nagpapatunay lamang sa inyong pagkilala bilang bahagi ng uring manggagawa. Akoy naniniwala na mas lalong hihigpit ang inyong pagkakaisa sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral sa ating panlipunang kalagayan at pagpapalalim sa ating pag unawa sa mahalagang papel ng migranteng Pilipino sa pangkalahatang hangarin ng sambayang Pilipinong makamtan ang ganap at tunay na kalayaan at panlipunang pag unlad ng ating bayan.

    Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang aral mula Ebanghelyo tungkol sa paglalakbay patungo sa Emmaus ng dalawang kaibigan ni Hesus na kanyang sinahamahan matapos na sya ay nabuhay na muli. Bagamat tinuruan sila ni Hesus habang sila ay naglalakad, hindi sya nakikilala ng mga eto maliban na lamang noong habang silay naghahapunan at pinagpiraso piraso niya ang tinapay at ibinahagi niya sa eto sa kanila.

    Bilang mga kasapi ng Migrante Milan, samahan po ninyo ang ating mga kapwa migrante sa kanilang paglalakabay. Tulungan ninyo sila sa pag unawa sa ating kalagayan at lipunan at sa pag aaral sa mahalang papel ng mga manggagawang migrante sa panlipunang pagbabago at pag-unlad ng ating bayan. Subalit inyong pakatandaan mga kasama, na ang pag aaral sa kalagayan at sa lipunan ay hindi sapat. Mas madaling maunawaan ang mga aral at turo at kayo ay sumusulong kung ang mga eto ay nailalapat sa mga praktika at gawa.

    Pagsumikapan nawa ninyong makikilala ang Migrante Milan bilang sentro ng paglilingkod sa mga migrante at mamamayang Pilipino. Maging katulad nawa ang Migrante Milan ng mga pinagpiraso pirasong tinapay upang abutin ang mas malawak na bahagi ng migranteng Pilipino sa Milan, sa Italya at maging sa buong Europa bilang ating mahalagang ambag sa pagsusulong at tagumpay ng pakikibakang Pilipino para sa ganap na kapayapaang nakabatay sa katarungan, pambansang demokrasya at kalayaan.

    Mabuhay ang Migrante Milan!
    Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
    Mabuhay ang Pilipinas!

    Father Herbert Fadriquela
    Chairperson
    Migrante Europe
    +447456042156