Filipino>>

Now that the 2019-nCoV case has been confirmed in the Philippines, it is only right for the government to set clear policies to prevent the further spread of the disease. We expect government agencies to speak in a single voice to avoid misleading statements.

Now that the WHO has declared a global emergency, there should be a national policy on preventing the spread of 2019-nCoV. The Philippines must impose a temporary travel ban to and from China. It is not racist. It is a matter a national interest, safety and security. This will cover ALL travelers irrespective of nationality. However, calling for a “travel ban on Chinese” is racism. Migrante-Europe do not support such racist call.

There should be clear quarantine policy as well. It does not mean that for every province with an international airport have different policies. A clear repatriation policy for affected OFWs is also needed, in line with the quarantine policy.

Public health funding should be established and increased especially for preventing and monitoring the spread of disease.

All executive officers should speak in one voice, guided by clear policies that will ensure the safety and health of the people. The first consideration should not be tourism and economic impact but the welfare of the Filipino people. Organizations like Migrante-Europe will also assist in public awareness related to 2019-nCov.

Panawagan ng Migrante-Europe sa Pamahalaang Duterte: Agarang Magpatupad ng Komprehensibo at Malinaw na Plano Upang Tugunan ang Lubusang Paglawak ng Mapanganib na 2019-Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa Pilipinas!

Ang pagkumpirma ng gobyerno ng Pilipinas ng ang mapanganib na 2019-nCoV ay nasa Pilipinas na ay isang hamon para sa pamahalaang Duterte na harapin ito upang higit sa lahat mapangalaagan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino. Nararapat lamang na magsalita ng iising tinig ang pamahalaan at gumawa ng koordinadong pagkilos upang malinaw na maunawaan ng mamamayan ang nais ng pamahalaan para maharap ang banta sa kalusugan ng Novel Corona Virus.

Sa pagdeklara ng World Health Organization (WHO) na ang 2019-nCoV ay pandaigdigang banta sa kalusugan ng bawat bansa at mamamayan nito, nararapat lamang na magpatupad ang pamahalaan Duterte ng travel ban patungo at mula sa Tsina. Ang panawagan ng pansamantalang pagpigil ng anumang komersyal na byahe, himpapapawid man o karagatan, mula Tsina ay hindi pagiging racist o rasista sapagkat nakatuon ang ‘travel ban’ upang pigilan ang paglaganap ng sakit dulot ng 2019-nCoV. Ang ‘travel ban’ na ito ay sasaklaw sa anumang lahi o nasyunalidad, hindi lang mga Tsino. Naninidigan din and Migrante-Europe na hindi makatwiran na sisihin, laiitin at alimurahin ang mamamayang Tsino, at iba pa. Sila rin ay biktima din tulad ng marami. Hindi nila ginusto tulad ng bawat isa sa atin, na dapuan ng virus, magkasakit, at mamamatay.

Sa gitna ng pandaigdigang krisis na ito kailangan ang tulungan at kooperasyon ng bawat bansa upang mabilis na masugpo ang paglaganap ng epidemya.

Sa harap ng kulang at mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa banta ng 2019-nCoV, nakikiisa ang Migrante-Europe sa mamamayang Pilipino sa panawagan sa pamahalaang Duterte para sa kongkretong aksyon para sa kagyat, mabilis at kumprehensibong mga hakbang lalo na agarang pagpapauwi at kaukulang proseso ng mga OFWs na apektado ang upang upang proteksyunan ang kalusugan ng mga mamamayan, pigilan ang paglaganap at tuluyang masugpo ang sakit.

Hamon sa pamahalaan ang mabigyan tuon ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino at ang Migrante-Europe ay kaisa dito para sa pagpapalaganap ng mga impormasyon habang sama-sama nating hinaharap ang banta ng 2019-nCoV.

Reference:
Marlon Toledo Lacsamana
Secretary General
[email protected]

SHARE