Tag: OFW

  • The people have prevailed, now heads must roll

    Group101

    It is with utmost jubilance that we announce to all Filipinos and supporters here in the Philippines and around the world that the Indonesian government has suspended the implementation of the death sentence on our kababayan Mary Jane Veloso until all proceedings in the Philippines are finished.

    We express our most heartfelt joyous solidarity with the Veloso family – Tatay Cesar and Nanay Celia, Christopher, Maritess, Darling and the rest of Mary Jane’s siblings, Michael, and most especially to Mac-Mac and Darren who have captured our hearts and further fortified our resolve to fight for Mary Jane’s life to the end. We feel your triumph because it is also ours. We rejoice with you. You have become every Filipino’s family, and Mary Jane every Filipino’s daughter, sister and mother.

    We said that only the people can save Mary Jane. We fought the good fight, we would like to think the best fight that we could have ever waged, and because of this we have prevailed.

    The whole Filipino nation and the world now cry tears of joy but, collectively, with peoples of other nationalities, we rage against the injustice done to Mary Jane. We will continue to fight for justice for Mary Jane, justice for all migrant workers and justice for the Filipino people.

    Now, heads must roll.

    The Filipino people still unite in the stance that Aquino and his government did too little, too late for Mary Jane. If not for national and international pressure and censure, Aquino would not have been compelled to take urgent action. Right to the end, Aquino had the gall to put on a stoic face and declare, when asked why his last-minute suggestion of turning Mary Jane into a witness against big drug rings came up just now, that “details of the case came into light only in the last few days” and that Mary Jane “did not cooperate at first.” Lies upon lies upon lies to the end, nothing could be farther from the truth. Because of government neglect and passivity, Aquino had placed Mary Jane on the brink of death.

    Now, heads must roll. We condemn and hold accountable the Philippine Embassy in Jakarta, the Department of Foreign Affairs and Aquino himself for the sufferings of Mary Jane and her family. As we rejoice we continue to rage.

    We now express grave concern for the lives of other Filipinos on death row and in jails abroad. How many more Mary Janes will suffer the same fate? The government has not shown transparency and accountability for failing to save the lives of Filipinos on death row. Mary Jane would have been the eighth Filipino executed abroad within Aquino’s term, the most number of executions under one regime since the Philippine labor export policy was implemented in the 1970s.

    More importantly, we blame the Aquino government’s labor export policy for placing Mary Jane and millions of our migrant workers at risk and in grave danger.

    Mary Jane was driven to desperation by extreme poverty, landlessness and enormous pressure as the caretaker of her children. She hailed from a poor family of sakadas (farm workers) in Hacienda Luisita. In her letters, she said so herself that she merely dreamed of a better future for her children and her family.

    Mary Jane was forced to go abroad because the Aquino government had offered her nothing substantive and sustainable to address her family’s needs. Instead, what it had offered were programs that do nothing to address widespread unemployment and landlessness, the root causes of forced migration.

    Mary Jane had been victimized by a trafficker, but Aquino’s labor export policy is the worst form of state-sponsored trafficking of Filipinos. In his five years in office, Aquino has indisputably become the “Trafficker-in-Chief” of migrant workers like Mary Jane.

    Today, we celebrate the people’s victory by demanding a change to the very system that preyed on Mary Jane’s desperation and almost took her life. We come together for every Filipino’s life, honor and dignity. We do not want more Mary Janes to suffer because of the Aquino government’s failure and neglect.

    Only Aquino’s ouster from office will give Mary Jane the justice she truly deserves.

    Justice for Mary Jane! Justice for all migrant workers! Justice for the Filipino people! Oust Aquino now!

    Migrante International
    29 April 2015

     

    (Photo taken during picket-delegation of Migrante Europe, Migrante-NL, Migrante Den Haag and the International Coalition for Human Rights in the Philippines at the Philippine embassy in The Hague, The Netherlands, today 29 April 2015. Photo by Consie Lozano)

  • Nang magising si Juan OFW matapos ang mahabang-mahabang paglalakbay…..

    Ako si Juan OFW, dating badante. Kabilang na ngayon sa tinatawag na “stranded” o walang  regular na trabaho. Iyan ang hirap kapag caregiver ka kapag natigok si Italyano kasamang  natitigok ang bulsa. Magaang trabaho, maraming oras mag-Facebook, pati selfie dinadamay ang amo. Kalaban mo lang ang inip at dapat matibay ang sikmura kapag pumulandit ang ihi at tae ni Italyano sa kanyang karsunsilyo.

    Isang umaga, tutal rin lamang at walang trabaho, nagpasya akong magsadya  sa tanggapan ng POLO-OWWA sa Roma para i-renew ang aking membership.  Sinuot ko pa nga ang bagong damit na binili ko sa Mercato. Sabay wisik ng bagong biling pabango, suklay ng buhok at bago tuluyang lumabas ng aking kwarto di mapigilang sumulyap muli sa kwadradong salamin sa lumang tukador na minana ko pa sa aking unang amo. Di ko na nga binigyang-pansin ang mga dokumento na dadalhin. Sabi ko “ tiyak namang mayroon akong lahat ng kailangan nila.”

    Hindi kasi ako nakasama sa palistahan nang magkaroon ng service mission sa Firenze. Di ko kasi kilala ng personal si  Mr. Fernandez , isang Pilipinong boluntaryong nagtatrabaho sa Konsulado. Di ko alam pero wala na raw pwesto para sa akin. Ayaw ko na lang isipin na nakarating pa dito sa Italya ang palakasan. Sa kabilang banda masaya ako dahil first time akong makakarating sa Roma kaya dapat GWAPO! Marahil dadaan na rin ako sa Vaticano at tatagpuin ko ang aking ex doon.

    Bago pa ako matuntong sa tarangkahan ng Embahada, sinipat ko pa ngang muli kung may watawat ng Pilipinas. Dahil sa harapan nito, may isang makisig na lalaki, Bill daw ang pangalan na tinatalakay ang PORK BARREL . Sa isip ko litsong baboy na niluto sa bariles. Aniya, “Pork Barrel King” si Presidente Aquino dahil ang gabinete partikular ang Department of  Budget at ang pinuno nitong si Abad ay kasabwat ni Napoles. Dawit din sa kwento niya si dating Senate President Drilon. Sa kwento nga , kalahati ng senador, daang kongresman at mga kalihim ng Departamento ang sangkot. Dahil dito,bahagyang naantala ang aking pangunahing pakay, i-renew ang pagsapi sa OWWA.

    Nagulantang ako sa haba ng pila, Huwebes pala ngayon, day-off ng maraming tulad ko. Sa wakas at nakakuha ako ng numero. Hinihintay kong tumayo ang isang dalaga na mukhang tinatawagan ng amo at pinababalik sa trabaho.
    ”KAINIS”, aking naulinigan. Nurse daw yun, walang makitang trabaho sa Pinas kaya andito. “Flussi” ang nagiging paraan niya ng pagdating . “ Ako pala si Weng” pakilala ng aking nakatabi sa upuan, “ako naman si Juan OFW”, sagot ko. Katabi niya ang isang kwarenta anyos na babaeng may pasa, parang sinaktan o nagulpi. “Napano siya , tanong ko?”  “Ginulpi ng amo,“sabi ni Weng.  Nangyayari din pala yan sa Europa, alam ko lang ay talamak yan sa Middle East (rape pa nga ang madalas), Hong Kong at kung saan sangkaterba ang mga OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay. Paalis na rin sila dahil sa halip na asistihan sila ng POLO, isang labor attache officer at ng OWWA tinuro sila sa Sindacato.

    “Numero 69”, anunsyo ng babae sa maliit na salamin.  “Numero ko yun , kagyat akong tumayo at tumapat sa bintana. ”Magandang umaga ma’am,” bati ko. “DOKUMENTO, ani ng babae. Aking iniabot ang aking pasaporte at permesso di soggiorno, apat na buwan na at paso na rin ito. Laking gulat ko nang di tanggapin ng ahensya ang aking inihahaing passport at permesso di soggiorno.

    Hinahanapan  ako ng konrtibusyon sa INPS o sulat ng aking employer bilang  katibayang ako ay may trabaho. Kung wala ang mga iyon malabong maging kasaping muli ng OWWA.

    Kagyat kong naisip na, paano kung may mangyari sa akin (wag naman sana)! Tulad ng nangyari kay  Aling  Saling na taga Tacloban. Dumating siyang (clandestino) dito sa Italya. Minsang naglilinis ng bintana, akalain mo ba namang nakabitaw sa hinahawakang seratura. Hayon, pinoproblema ng mga kasamahan  niya sa inuupahang  silid ang pagpapadala ng kanyang bangkay sa Pilipinas.

    Tulad ko kulang daw sa bagong rekisitos sa pagsapi. Nawasak pa naman ang kanyang ipinapatayong  bahay bunga ng bagyong Yolanda. At hanggang ngayon  sa mga tent pa rin  sila nakatira. Marami ngang kwento na kahit sa parte ng Samar at Leyte hindi lang sa Tacloban ganito ang tanawin. Walang tirahan, trabaho, tigil na ang rasyon, nagtitiis sa maiinit na tent (kubol) at yung malapit sa baybaying dagat ay di na muling pinayagan magtayo ng kahit barong-barong. Gagawin daw eco-tourism ang lugar.

    Tumambling akong palabas ng Embahada. Bigo, pagod, nasayang na oras at panahon, higit sa lahat tumataginting na 50 euro (solo andata) na ipinambayad ko sa tiket, mahal kasi ang Freccia Rosa pero masisiyahan ka sa bilis, linis at komportableng biyahe.

    Tinuloy ko ang plano na tumungo  sa Vaticano. Tinawagan ko si Sisa, ex ko sa Pinas noong kami’y nasa parehong iskwelahan sa probinsya. Krrringgggggg…..”ayoko sana na ikaw ay mawawala”(Aegis yata ang ring tone ng telepono niya), paborito niyang grupo ng mang-aawit dahil hanep kung bumirit. “Il numero che ha chiamato e non disponibile”, naisip ko mauunsiyami pa yata ang aking matagal nang hangad na makita siyang muli. Purnada! Dami ko pa namang plano, kakain kami sa Mc Donald o Burger king (siyempre sagot ko), mamamasyal at kung posible, katulad ng dati gawin ang ginagawa ng mag-asawa, ito e kung posible pa.

    Sa di kalayuan nakakita ako ng grupo ng mga Pilipino na may dalang mga plakards. “LAHAT NG SANGKOT MANAGOT!” “Bro intsik ka ba?”, tanong ng isang nagpapaliwanag.  Sa loob-loob ko, pinagdudahan pa ang aking nasyonalidad e pango naman ang aking ilong! Paliwanag niya na umabot na hanggang Malakanyang ang alingasaw ng korapsyon at pilit ikinukubli ang partisipasyon ng mga susing opisyales ng Gabinete.  Sekretaryo Butch Abad at lima pa sa kanyang pamilya na sangkot sa PDAF, Sekretaryo Alacala sa Kagawaran sa Agrikultura dagdag pa ang bigong pangongotong ng kapatid ni P-Noy sa gobyerno ng Czech para sa pagbili ng bagon ng MRT at LRT. Tumataginting na $30M ang hinihingi kapalit ng pagkopo sa kontrata. Naisip ko tuloy, mabuti na lamang at may mga taong handang magsiwalat ng lahat at malalakas ang loob para labanan ang katiwalian at mapawi ang pagsasamantala. Nilingon ko ang isang placards, nakasulat “ LP – Lapian ng pangulo, Lapian ng Plunderers”.

    Nakasabayan ko si Pedro, taga Mindanao. Pareho Regionale ang sinakyan naming treno  pauwi. Tumaas na naman kasi ang presyo ng biglieto. Ipinaliwanag niya sa akin na ayon sa OWWA Omnibus Law ( art.IV, sect.1.B.) ang usapin sa boluntaryong pagsapi ng lahat ng OFW. Karapatan ko pala ito! Sinasaad pa sa Republic Act 8042 na nararapat pangalagaan ang lahat ng OFW o mga “bagong bayani” dapat pangalagaan, asistihan at bigyang proteksyon. Maling i-abandona ng POLO-OWWA ang dikretong ito, diin pa niya. Umabot pa ang aming kwentuhan na sa Mindanao ay laganap ang malawakang pagmimina. Kabilang nga ang kanyang pamilya sa naitaboy dahil ang kanilang niyugan ginawang taniman ng DOLE at Del Monte.

    Naunang bumaba ng tren si Pedro.  Binasa ko ang polyetong iniwan niya sa akin. Nananawagan pala ang mga Migrante dito sa Italya sa Board of Trustees sa pamamagitan ng kanyang Administrador na –
    1. Ibalik at ipatupad ang dating alituntunin na passport at kontrata lamang ang kailangang dokumento sa panahong ipinoproseso ang kanyang pag-aaplay sa trabaho at passport lamang ang kailangan kung siya ay boluntaryong nag-aaplay na maging kasapi sa panahon siya ay nasa labas ng ating bansa.
    2.   Ibalik ang dating “lifetime membership”.
    3.   Pag-uulat sa kaganapan sa ahensya laluna sa kanyang pananalapi.
    4.   Pagtiyak sa mabilis at epektibong pagbibigay ng serbisyo at pagtugon sa problemang kinakaharap ng mga OFW.
    5.  Pagpaparami ng representasyon ng OFW sa Board of Trustees at pagbibigay sa kanila ang pangangasiwa ng nasabing ahensya.

    Pagdating ko ng bahay, tumambad sa akin ang lumang dyaryo ng Ako ay Pilipino. Sa frontpage “ P450 milyong pondo ng OWWA pinakialaman ni GMA”. Sa inis ko, nanuod na lang ako ng Pinoy channel sa TFC. Ang pangunahing balita – Pangulong Noynoy Aquino  nagpamigay ng milyon-milyong bonus sa mga pinuno ng OWWA.  Pondo ng Philhealth nawawala, baon sa utang at namemeligrong di mapakinabangan ng mga kasapi ang kanilang kontribusyon.

    Nagdesisyon na lang akong mahiga at magpahinga sa aking inuupahang “repostilyo”, ginawang kwarto, mas mura kasi ang bayad. Umuukilkil sa aking gunita ang anak ko na  humihingi ng pang-matrikula. Taon-taon na lang tumataas, renta sa boarding house, pamasahe, uniporme at pagkain. Kahapon lang tumawag ang kapatid kong bunso, kasamang natangal sa NXP semi-conductor sa Cabuyao. Ang kompanyang gumagawa ng  micro-chips ng sikat na I-Phone at I-Pod. Naalala ko ng mag-strike din ang mga manggagawa ng Coca-cola.

    Mahigit limang taon na silang manggagawa bilang driver pero nanatili silang kontraktwal.  Herrera Law, isa sa batas na pinirmahan ni Cory Aquino, ina ni Pres. P-noy. Sa ilalim ng batas na ito, lumaganap ang kontraktwalisayon, nameligro ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho, napako sa napakababang minimum wage ang mga obrero.

    Bumalik sa aking isipan ang ilang kwento sa Mindanao. Mula ng maaprubahan ang Mining Act of 1995 sa panahon ni Presidente Ramos, naglitawang parang mga kabute ang mga mining company. Nito lamang taong ito, sa rehiyon ng Davao sangkatutak ang pinayagang magmina. Open pit mining ang modernong paraan. Pinapatag ang kabundukan. Kabilang sa mga kompanya ang IndiPhils, Kinimi Copper  Exploration and Mining Corp, Pacific Heights Resources Inc, Mcwealth Mining Corp, Geoffrey T. Yengko at Compostela Valley.  Macliing Dulag ang pangalan na natatandaan kong lumalaban sa Philex at Cellophil Mining Co. na pinaslang sa Cordillera  sa dahilang nilalabanan nila ang pagmimina na nagdudulot ng pagkawasak ng kalikasan at pagtataboy sa kanilang lupang ninuno.

    “Che giornata!…” Andirito na ako sa Italy ayaw pa akong lubayan ng mga problemang panlipunan.  Dito naman, patuloy din ang pagtaas ng lahat bilihin, mula sa pagkain at damit, upa sa bahay, tubig-kuryente-gas, gasolina. Patong-patong din naman ang bayaring buwis…hay naku!

    “Juan, Juan, Juan gising na, anong oras ba ang sasakyan mong treno papuntang Roma? Sayang ang tiket mo “pag nagkataon”. (sinulat ni RO, isang migrante sa Firenze, 2014)