Maigting na nakikilahok sa makasaysayang pagbubuklod ng mga nagtatanggol sa demokrasya ang iba’t- ibang chapter ng Migrante sa Europa. Ngayong ika-23 ng Hulyo, itinakdang araw upang magulat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) , inilulunsad din ng Migrante Europe sa ilalim ng United People’s SONA ang paglalahad ng tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino at sa paggigiit ng mga batayang kahilingin at panawagan ng sambayang Pilipino.
Kasama kami sa pagkilos ng libong mamamayang Pilipino na pagod na sa patuloy na pang-aapi at pagapak sa ating mga karapatan at kalayaan.
UMANGAT MIGRANTE -ROMA at GABRIELA – ROMA
Mahigpit na nakikiisa ang UMANGAT-MIGRANTE Roma at GABRIELA Roma sa UNITED PEOPLES SONA para ilantad at labanan ang lahat ng mga anti-mahihirap at anti-mamamayang patakaran ng Rehimeng Us-Duterte.
Sa loob 2 taong panunungkulan ni Duterte lalong tumindi ang kahirapan ng nakararaming Pilipino, lahat ng kanyang mga pangakong pagbabago ay napako.
Nagpapatuloy at lalong tumaas ang mga presyo ng mga bilihin dulot ng Train, nagpapatuloy ang kontrakwalisayon at mababang sahod ng mga manggagawa, laganap pa rin ang matinding katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.
Patuloy pa rin ang EXPORT LABOR Policy at sapilitang pangingibang bayan ng mga Migranteng Pilipino dahil sa kawalan ng tunay na programa para makalikha ng Trabaho sa pinas na may disenteng at nakakabuhay na sahod.
Ang pagtalikod ng rehimen sa usapang pangkapayapaan ay pagtalikod sa tunay at komrehensibong reporma na kailangan para maiangat ang kabuhayan ng nakakaraming naghihirap na Sambayang Pilipino.
Sa halip na tugunan ang ugat ng kahirapan ng Sambayanang Pilipino ay tanging mga pan-sariling kapakanan lamang ang kanilang inaatupag at patuloy ang rehimeng Duterte sa pagiging sunod-sunuran at pagpapakatuta sa mga amo nitong Imperyalistang US at China.
Hindi kailanman maasahan ng mga mamamayang Pilipino ang isang gobyernong walang malasakit at paggalang sa kanyang mga mamamayan, nararapat lamang na singilin ang rehimeng duterte sa mga napakong pangako nito na mga pagbabago.
Mamamayang Pilipino Magkaisa, Tutulan Labanan ang kontra Mamamayang Patakaran!
Taas presyo dulot ng TRAIN IBASURA! END LABOR EXPORT POLICY! TRABAHO SA PINAS HINDI SA LABAS! TAMA NA! SOBRA NA! WAKASAN NA!
UGNAYANG PILIPINO SA BELGIUM
Sa okasyon ng ikatlong SONA sa Lunes, ay inaasahang ipagmamalaki ng rehimeng US-Duterte ang mga programa nito, laban sa kriminalidad at korapsyon, at mangangako ito ng kasaganaan at kapayapaan.Inaasahan ding itutulak nito ang mga maniobra para mapanatili ang sarili sa pwesto.
Subalit sa mga kababayang kaugnay ng UPB (Ugnayang Pilipino sa Belgium) dito sa Belgium, lalong lumilinaw na ang istilo ng pamamahala ng gubyernong Duterte ay patungo sa hayagang pasismo. Ito ay ang lantarang paggamit ng dahas at pananakot para maipatupad ang mga kontra-mamayang mga patakaran at batas.
May mga kasapi ng UPB mismo at mga kakilala dito sa Europa ang may direktang karanasan ng paglabag sa karapatang pantao sa pagsasakatuparan ng “ War on Drugs” ni Duterte. Sa mga maikling pagbabakasyon sa Pilipinas, marami sa mga migranteng Pilipino ang nakapansin sa mga malalakihang proyektong infrastructures, mga condominions, mga resorts at iba pang pangturistang mga facilities. Sa kabila ng ipinagyayabang ng “Build. Build. Build.” na programang ito ng kasalukuyang gubyerno, saksi din sila sa mga paglaban ng mga apektadong mamamayan sa tipo ng “bungkalan, at kampuhan “ sa kanayunan.
Sa kabila nito, patuloy pa rin tayo sa pagpapadala ng euro sa ating pamilya at sa iba pang humihiling ng ating pangpinansyal na tulong. Ito ay ginagawa natin mulat sapol tayo ay nakapag-abroad hanggang sa ngayon dahil walang tunay na pag-unlad na nagaganap at magaganap sa ilalim ng pasistang rehimen. Bagkus ay lalong madidiin sa kahirapan at ating pamilya sa Pilipinas dahil sa mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin at buwis, at kawalan ng trabaho at pagpapatuloy ng patakarang kontraktwalisasyon. Iniulat ngayon sa isang survey ( 21, July 2018-SWS) na dumami ang mga Pilipinong nagdeklara na sila’y mahirap.
Sa kabila ng libo- libong pinatay sa ngalan ng “War on Drugs”, ay bigo ang programang ito para sugpuin ang malalang problema sa ipinagbabawal na gamot at iba pang kriminalidad, na sa totoo lang ay mga krimeng bunsod ng malawakang kahirapan at kawalan ng opurtunidad na makahanap ng disenteng kabuhayan. Bagkus ay nagbunga ito ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, at sukdulang pagpatay kahit sa mga musmos pang mga kabataan.
Maliban sa mga sangkot sa drugs, sa kanayunan ay patuloy din ang rehimeng ito sa pasistang pag-atake sa mga inaaping mga maralitang naghahangad ng pagbabago. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 134 na mga magsasaka ang biktima ng EJK. May mga panibagong ulat din ng ebakwasyon ng mga Lumad sa Mindanao.
Lalong lumilinaw sa mamamayan ang tunay nakatangian ng gobyernong ito. Wala itong pagkakaiba sa mga nauna pang mga rehimen. Nagpapatuloy itong representatibo at tagapagtanggol ng interes ng iilang mga mayayaman at sunodsunuran sa kagustuhan ng mga dayuhan, sukdulang isakripisyo ang soberenya ng Pilipinas kapalit ng ilang trilyong utang panlabas.
Walang matatamong pagbabago at pag-unlad sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Walang mapagpipilian ang sambayang Pilipino kundi ang umasa sa sariling lakas para baguhin ang kanilang kalagayan. Mas lalo ang pangangailangan sa ngayon, higit kailanman ang kumilos para sa tunay na kapayapan at pag-unlad. Higit na isulong at igiit ang mga hakbangin para wakasan ang ugat ng kahirapan at kaguluhan. Manawagan para sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Sukdulang tumugon sa panawagang patalsikin sa pwesto ang pasistang rehimeng ito kung kinakailangan.
TRAIN LAW NI DUTERTE, IBASURA!! PAHIRAP SA MGA OFW AT PAMILYA
#NOTOCHARTERCHANGE
#ENDTYRANNY #ENDPLUNDER
MIGRANTE GERMANY