PARANGAL KAY KASAMANG MANUEL SARMIENTO, BAYANING PILIPINO AT KADRE NG URING MANGGAGAWA

Ni Jose Maria Sison, Tagapangulong Emeritus International League of Peoples’ Struggle

Disyembre 19, 2020

Mga mahal na kababayan,Nagpapaabot ako ng pakikidalamhati sa pamilya at lahat ng mga malapit na kasama at kaibigan ni Kasamang Manuel Sarmiento sa kanyang pagpanaw noong Disyembre 11 sa Vienna, Austria. Dama natin lahat ang bigat nito tulad ng Sierra Madre. Subalit nasisiyahan tayo lahat na matagal at mabunga siyang naglingkod sa uring manggagawa at sambayanang Pilipino.Pagkakataon ngayon na magbigay tayo sa kanya ng Pulang saludo at pinakamataas na parangal sa kanya bilang bayaning Pilipino at kadre ng uring manggagawa dahil sa kanyang maningning, uliran at matagumpay na pagkilos at pamumuno sa kilusang paggawa sa maraming pakikutunggali sa mga dayuhang monopolyo at mga lokal na reaksyonaryo, magmula sa panahon ng pasistang diktadura ni Marcos hanggang sa panibagong pasismo ng tiranonbg Duterte.Mula sa pundasyon ng Kilusang Mayo Uno noong Mayo 1, 1980, kumilos siya bilang matatag at militanteng kadre ng KMU alinsunod sa pangkalahatang linya ng demokrating rebolusyon ng bayan at sa perspetkibang sosyalista. Naging ikatlong pangkalahatang kalihim siya ng KMU, kasunod nina Ka Rolando Olalia at Crispin Beltran. Sa batayang antas, organisador at tagapagtatatg ng FILIPRO-Nestle Philippines at naging presidente siya ng Drug, Food, and Allied Workers’ Federation, isa sa mga organisasyong tagapagtatag ng KMU. Siya ay isang accountant at mataas ang kanyang potensyal na maging opisyal ng management ng Nestle. Subalit pinili niyang manungkulan bilang kadre ng mga mangaggawa.Personal na nakasama ko si Ka Manny nang siya ay nagpostgrad studies sa Institute of Social Studies sa The Hague at nang siya ay lumalahok sa mga aktibidad ng komunidad ng mga Pilipino. Nang itinalaga siya sa Europa sa ilalim ng Migrante International, itinayo niya ang PINAS FIRST sa Vienna Austria at lalo pang nakasama ko sa mga pulong ng Migrante at ng International League of Peoples’ Struggle.Napansin ko ang mga katangian ni Ka Manny bilang kadre. Matatag, matalino at magiting laban sa kaaway subalit mapagpakumbaba sa paglilingkod sa uring manggagawa at sambayanang Pilipino. Tahimik magtrabaho, masipag at disiplinado. Nakatuon sa proseso at direksyon ng trabaho at mga miting. Mabait, matulungin at matiyagang magpaliwanag sa kapwa. Simple at matipid ang pamumuhay.Dahil sa mga bayani at manggawang kadre tulad ni Ka Manny, patuloy na lumalaki at lumalakas ang kilusang paggawa at demokratikong rebolusyon ng bayan sa panmumuno ng uring manggagawa. Pumanaw man sila sa anumang dahilan, nanatilii silang buhay sa ating diwa at damdamin, laging inspirasyon sila at laging buhay sila sa rebolusyonaryong kilusan dahil sa kanilang mga kongkretong ambag at halimbawa.Mabuhay ang alaa-ala ni Ka Manny! Mabuhay ang Kilusang Mayo Uno! Mabuhay ang Migrante International! Mabuhay ang kilusang paggawa! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *