Category: Italy

  • ‘Tao Po’ sa Roma

    ‘Tao Po’ sa Roma

    Sa ngalan po ng UMANGAT-MIGRANTE, GABRIELA ROME, ITALIAN FILIPINO FRIENDSHIP ASSOCIATION, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at dumalo sa ating isinagawang pagpapalabas ng TAO PO.

    Sana po ay patuloy nyo kaming samahan sa patuloy ng panawagan ng pagpapahinto sa mga nagaganap na Extra Judicial Killings sa ating Bansa at paghingi ng katarungan para sa lahat ng biktima ng extra judicial killings.

    STOP THE KILLINGS! 
    JUSTICE FOR ALL THE VICTIMS OF EXTRA JUDICIAL KILLLINGS!

  • Tao Po is truth knocking  your door

    Tao Po is truth knocking your door

    After two extra-ordinary performances of Tao Po which were well received by big audiences in Geneva, Switzerland and Amsterdam, the Netherlands, the ‘Tao Po’ performance will be shown today in Rome, Italy.

    The most awaited ‘Tao Po’ will be staged in the historical center of Rome, in the courtyard of the Basilica di San Silvestro in Capite, Piazza San Silvestro 17A, today, Thursday, Oct. 10 at 7pm.

    ‘Tao Po’ is a play/monologue by award-winning theater actor and cultural activist Mae Paner also known as Juana Change, is about the untold heartbreaking stories behind the Duterte government’s “war on drugs.” Mae Paner gives life to four characters, in four separate monologues – a photojournalist, a ‘zumba’ dance instructor, an assassin and an orphaned girl.

    The play is followed by ‘Talk Back’ panel discussion and dialogue with the audience, artist and members of Rise UP for Life and for Rights and their stories and the quest for justice.

    In a radio interview of Ugnayan sa Himpapawid (wwwradiocittaperta.it) with Nardi Sabino of Rise Up and a team member of Tao Po Europe Tour, he said they hope to meet the communities who supported the Iceland resolution, and are eager to know how people will feel and respond to the call of the victims for justice after they watch Tao Po.

    In another interview with Ms. Paner, she stressed that it was her idea to produce a play in response to the issue of extrajudicial killings that are happening in relation to the war on drugs, and decided to make the play, with writer Maynard Manansala. Together, they joined the ‘night callers’, photojournalists who are covering the war on drugs and had seen the actual events. Through Rise Up they were able to interview the families of the victims.

    “We are hoping that many kababayans in Rome will watch Tao Po. It is high time for overseas Filipinos to know and understand what is really happening in our country and they need to know the truth about the war on drugs, after a number of the victims of the killings are families of migrant Filipinos”, said Umangat-Migrante chairperson Ed del Carmen.

    Umangat-Migrante, Gabriela Rome, Italy-Philippines Friendship Association, Migrante Europe and generous individuals sponsor the Tao Po performance in Rome.

    The Tao Po Europe Tour is a joint effort of Rise Up, Juana Change Movement and the International Coalition for Human Rights in the Philippines. Its showing is part of the Philippine Solidarity Month declared by the Europe Network for Justice and Peace in the Philippines.

     More schedules of Tao Po in other cities:

     October 12, Saturday at 18:30 in Vienna, Austria
    October 16, Wednesday at 19:00 in London, UK
    October 21, Monday at 17:00 in Berlin, Germany

    For reference:

    Ed del Carmen
    Chairperson UMANGAT-Migrante Rome
    Email: [email protected]

    Revd Fr. Herbert F. Fadriquela Jr.
    Chaplain to the Filipino Community
    Diocese of Leicester
    Church of England
    Mobile Number: +447456042156
    Email: [email protected]

  • Ibangon at buhayin ang naghihingalong demokrasya

    Ibangon at buhayin ang naghihingalong demokrasya

    Ang mga balangay ng organisasyong MIGRANTE at pamilya nito kabilang ang iba pang mga kababayan sa Italya ay mariing tumututol sa mala-BATAS MILITAR na pamumuno ng pasistang rehimeng Duterte sa Pilipinas, batay sa katibayan ng malalaking paglabag sa karapatang pantao laban sa mga maralita, lumalaking bilang ng extra-judicial killings (EJKs), at ang malawak na represyon laban sa mga tagapangtanggol ng karapatang pantao at laban sa kanyang mga kritiko.

    Sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, nalugmok ang Pilipinas sa pinaka malubhang krisis sa karapatang pantao mula ng matapos ang diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. (1971-80). Kamakailan lamang, itinulak niya ang mga mambabatas na palawigin ang batas militar sa Mindanao. Upang makapanghikayat, lumikha ng eksenang pambobomba sa Mindanao, ibinintang at nagsampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga progresibong grupo na sa kalauna’y napatunayang isang panlilinlang. Nagpakulong ng mga kilalang kritiko sa kanyang gobyerno at nag utos ng pagdakip ng walang warrant na minsan nang nangyari sa kasaysayan nuong panahon ng diktaduryang Marcos.

    Nuong 2017,sa pangunguna ng kanyang mga masugid na alyado,tinanggalan ng budget ang Commission on Human Rights bilang pagganti nito sa mga pagsisikap na imbestigasyon sa kampanya laban sa droga. Sa harap ng matinding pandaigdigang pagbatikos, ginamit ng administrasyong Duterte ang taktika ng pagtanggi, sa kabila ng mga malaganap at dokumentadong ulat ng midya at ng iba’t ibang grupong pangkarapatang pantao sa mataas na bilang ng pagpatay na nag-uugnay sa gera ni Duterte laban sa droga bilang pangunahing dahilan. Ang kanyang “War on Drugs” ang kumitil sa buhay ng tinatayang 12 libong tao na karamihan ay mga maralita at inosenteng kabataan.

    Sa ilalim ng diktadurya ni Duterte ayon sa grupong KARAPATAN, mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017, umabot na sa 113 ang kaso ng EJK, 222 ang tangkang EJK, 256 ang iligal na pag-aresto at pagkulong, 924 ang iligal na pag-aresto , 426,170 ang sapilitang paglikas dulot ng militarisasyon, 29,623 kaso ng paggamit ng mga militar sa pampublikong lugar at 624,617 ang kaso ng walang patumanggang pamamaril at pambobomba sa mga sibilyan. Ang mga ulat na ito ay patuloy na tumataas hanggang sa kasalukuyan dulot ng hindi masawatang mga paglabag.

    Minamadali at ipinipilit ang Pederalismo sa pamamagitan ng pagbabago ng ating konstitusyon, sukdulang makipag-alyansa ang pamahalaang Duterte sa mga korap at tanyag na tagapaglabag ng karapatang pantao tulad ng mga Marcos at ni Gloria Macapagal Arroyo na sapilitang naging presidente ng mababang kapulungan. Sa kabila ng makailang ulit na pagpapahayag sa publiko ng kanyang pagbibitiw, mariin naman niyang iniendorso si Bongbong Marcos bilang kahalili niya na wala nang pagsasaalang-alang sa konstitusyon.
    Ang pag-aasta ng rehimeng ito na kampion ng soberanya ng Pilipinas ang siya mismong nagbenta nito sa Tsina sa usapin ng West Philippine Sea. Binalewala ang nakamit nating tagumpay sa International Court of Arbitration na nagdesisyon na ang mga naturang teritoryo ay saklaw ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ), kapalit ang mga kaduda dudang pautang at mga kasunduan sa pagbili ng mga armas.

    Tinahak ni Duterte ang paraang pagpapatahimik sa kanyang mga kalaban sa politika at mga kritkiko sa halip na giyahan ang sitwasyong pang-ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ng kanyang rehimen lumobo sa 6.4 % ang implasyon nitong Agosto, pinakamataas sa buong Asya. Ibig sabihin nito, ang kalakal na nagkakahalaga ng P 100 ay ngayo’y P 106 na. Ang halaga ng piso ay umabot sa P 54 kontra USD 1, higit na humina ng tulad ng 13 taong nakalipas. Ayon sa IBON Foundation, isang indipendenteng organisasyon sa pang-ekonomiyang pananaliksik, tinatayang ang pinakamahirap na anim na decile (isa bawat ika-sampung hinating bahagi) ng pamilyang Pilipino na may buwanang kita mula P 724 hanggang P21,119 ay dumaranas ng pagkawala ng kita mula P455 hanggang P 3,781 bunga ng implasyong dulot ng batas sa buwis na TRAIN mula lamang Enero hanggang Agosto ngayong taon.

    Ibayong pagkalugmok ng mga karapatan ng mga manggagawa ang hatid ng patuloy na kontraktwalisasyon sa harap ng kanyang mga inutil na pangakong wawakasan niya ang kontraktwalisasyong sa bansa. Sa halip na isakatuparan sana ang Pambansang Industriyalisasyon na lilikha ng matatag at matagalng hanapbuhay at malutas ang pwersahang migrasyon, ipinagmamayabang pa niya ang bilyong ekonomikong kapalit sa bawat bansang kanyang pinupuntahan, na wala namang ibang layunin kundi higit pang pahigpitin ang pangangalakal ng lakas paggawa nating mga Pilipino.

    Wala ring humpay ang mga militar sa kanilang patuloy na pagtugis sa mga Lumad at iba pang mga katutubo sa ating bansa upang pagsilbihan ang operasyon ng mga dambuhalang mga korporasyong internasyunal sa pagmimina na walang ibang hangad kundi ang ganansya at tubo sa kapinsalaan naman ng pag-unlad ng mga mamamayan. Gayundin ang pag-aaruga nila higit sa mga malakihang pagtrotroso at malawakang mga plantasyong pang-eksport na kalakha’y pag-aari ng mga dayuhang monopolyong multinasyunal.
    Ang diktadurya ni Duterte ay pagbabadya ng pagpatay sa demokrasya ng ating inang bayang Pilipinas.

    TUTULAN ANG MALA-BATAS MILITAR NA DIKTADURYA NG REHIMENG DUTERTE!
    LABANAN ANG TIRANIYA! ITAGUYOD ANG DEMOKRASYA!
    ITIGIL ANG PAMAMASLANG!

    MIGRANTE CHAPTERS IN ITALY
    (ROME, CASERTA, FIRENZE, BOLOGNA, MILAN, COMO AND MANTOVA)
    For references:
    E-mail: [email protected]
    [email protected]

  • Paanyaya ng Umangat-Migrante sa kanilang ika- 20 taong Anibersaryo

    Paanyaya ng Umangat-Migrante sa kanilang ika- 20 taong Anibersaryo

    https://www.facebook.com/100010781949568/videos/591737564528970/

  • Ipagtanggol ang ating karapatan, labanan ang pagbawi sa mga nakamit  na tagumpay ng uring manggagawa !

    Ipagtanggol ang ating karapatan, labanan ang pagbawi sa mga nakamit na tagumpay ng uring manggagawa !

    Ipinagdiriwang natin ngayong Mayo Uno ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ngunit ano nga ba ang esensya ng okasyong ito sa atin bilang mga manggagawang Pilipino na nasa labas ng bansa? Isa lamang ba itong pista opisyal sa ating kalendaryo? Sapat na ba ang pansamantalang tumigil sa ating pang-araw araw na nakagawian, ang paghahanapbuhay?

    Ang pagtakda ng pandaigdigang araw na ito noong 1904 ay hudyat ng patuloy na lumalaking bilang at tumitibay na organisadong pwersa ng uring manggagawa. Sa kanilang mala-aliping kundisyon sa paggawa nalilikha ang yaman sa lipunan. Ang mga tinatamasa nating mga karapatan at benepisyo sa kasalukuyan ay bunga ng mga napagtagumpayan mula sa kanilang sama-sama, militante , at buhay at kamatayang pagkikibaka. Mula sa 16 na oras bawat araw na paggawa ay nakamit ang walong oras bawat araw at iba pang mas makataong kundisyon sa paggawa.

    Ang Mayo uno ay isang simbolo ng organisado at mulat na manggagawa. Simbolo ito ng tagumpay ng uring manggagawa at buong mamamayan sa daigdig laban sa mga naghaharing uri at kapitalistang pagsasamantala. Makalipas ang mahigit isang daang taon, patuloy na nagiging napakahalaga ng simbolong ito, laluna sa harap ng matinding atake ng mga mapagsamantalang uri upang bawiin ang mga tagumpay na nakamit at ipatanggap ang di makatarungang kaayusan sa paggawa bilang normal na takbo ng ating pamumuhay sa lipunan.

    Hindi makatarungang tumanggap ng mababang sahod na di sapat sa ikabubuhay ng pamilya habang ang kapitalista’y walang lugar na mapagtapunan ng kanyang limpak limpak na tubo ! Hindi natin dapat tanggapin na normal ang kaayusan kung saan walang kapangyarihang panlipunan ang mga lumilikha ng yaman ng lipunan ! Habang ang mga kapitalista’t naghaharing uri ang syang nagdedesiyon ng ating kabuhayan at kinabukasan.
    Ang patuloy na pagtalikod ni Pangulong Duterte na pawiin ang kontraktwalisasyon ay isang halimbawa nito. Higit na kinakatigan niya ang sulsol ng mga kapitalista at burukrata na tuwirang nakikinabang sa mga anti-mangagawang mga batas at patakaran sa paggawa.

    Ang ipinatupad na Department Order 174 ng DOLE ay higit pang nagpapatibay ng kontraktwalisasyon sa bansa. Pinapatanggap na isang normal na kaayusan ang pagkamal ng labis na tubo ng mga kapitalista kung kaya’t tama lang tanggapin ang kompromisong ito. Naghuhugas kamay ang Pangulo sa pagpasa ng desisyon sa kongreso na kontrol ng mga kapitalista’t mapagsamantalang uri.

    Hindi kataka-taka na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga mangagawang Pilipino sa ibayong dagat. Sa sitwasyong wala o kulang ang trabaho, patuloy din sa pagtaas ang halaga ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, tirahan, edukasyon, pagpapagamot, atbp. Sa ganitong kaayusan, ang pangingibang-bayan at ang pagbugaw ng gubyerno sa mga bansang nangangailangan ng murang lakas paggawa ay nagiging “normal” na kalakaran.

    Namamanhid na ba talaga at tanggap nang may di mabilang na kababayang malagay sa peligro ang buhay, tulad na lang ng nagaganap ngayon sa Kuwait ? Sa lumalalang relasyon ng dalawang bansa ay apektado ang mahigit 200 libong kababayan. Kailangan bang ulit ulitin ang kapalaran at karanasang sinapit ng kababayang tulad nina Joanna Demafelis, Dondon Lanuza, Flor Contemplacion, Mary Jane Veloso, at ng iba pa? Hanggang kailan tayo papayag sa kaayusang tayo’y mistulang produktong pinagkakakitaan ng gobyerno at ang katiting na serbisyong ating natatanggap-kung mayroon man-ay mga pamatid-uhaw lamang sa katarungang panlipunang matagal na nating inaasam?

    Ang mga ahensyang POEA, DOLE, OWWA, Overseas Filipino Bank katulong ang iba pang mga ahensya tulad ng DFA, DT, at DBM ang mga haligi ng pagpiga ng tubo mula sa “produkto” ng migrasyong Pilipino. Ito ang “normal” na kaayusang pilit ipinatatanggap sa atin ng kasalukuyan at mga nagdaang gobyerno.

    Ang POEA ang nagsisilbing “ligal” na recruiter , ang DFA at DT ang mga taga lako ng murang lakas paggawa, ang DBM ang arkitekto at tagaplano at ang OFBank ang taga likom ng kita. Ang OWWA ang tagabuhos naman ng malamig na tubig at tagapagbigay ng pag-asang may kapalit na serbisyo ang mga binayad at sakripisyong ginagawa ng ating mga kababayan. Lahat ng ahensyang ito’y nagsisistematisa sa paghuthot ng ganansya mula sa migrasyon.

    Hindi sinsero ang gobyerno ni Duterte na bigyan ng pangmatagalang solusyon ang problema ng migrasyon sa Pilipinas. Tinalikuran na niya ang pangakong pambansang industriyalisasyon, at nagsasariling patakarang panlabas. Binalahura ang usapang pangkapayapaan at binabalewala ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reform (CASER) na naglalaman ng mga kongkretong hakbangin at repormang papabor sa naghihikahos na mamamayan.

    Ang atake sa paggawa at sa mga tagumpay na nakamit nito ay pandaigdigan sapagkat hindi nalilimitahan ang pag-ikot ng kapital sa iisang bansa lamang. Maging ang mga kapatid nating manggagawang Italyano ay hindi ligtas sa atakeng ito. Ang pleksibilisasyon sa paggawa na pangunahing nilalaman ng batas na Job’s Act , delokalisasyon ng mga pabrika, at malaganap na kontrol ng mga “kooperatiba” ay ilan lamang sa mga kongkretong pagbawi sa mga karapatan ng manggagawang Italyano .
    Isang malaking dagok ito sa mga manggagawa kung saan nakasaad mismo sa konstitusyon na, ang Italya ay isang demokratikong republika na itinatag sa paggawa.

    Ang soberanya nito ay nagmumula sa mamamayan na nagpapatupad nito sa lahat ng anyo nang naaayon sa konstitusyon (artikulo 1). Masahol pa, pinag-aaway ang mga lokal at mga dayuhang manggagawa sa pagpapatingkad ng razzismo.

    Higit kailanman ay kailangan ang mahigpit na pagkakaisa nating mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat sa pagtatanggol sa ating mga karapatan. Kasabay nito’y kailangan nating mapahigpit ang pakikipagkaisa sa kapwa nating manggagawang Italyano at iba pang lahi. Ipagtanggol natin ang nakamit nang mga karapatan sa paggawa Tutulan ang mga anti-manggagawang batas at patakaran ng gubyerno sa Pilipinas at Italya.

    Isulong ang ating karapatan sa sahod, benepisyo at makataong kundisyon sa paggawa.
    Bilang migranteng Pilipino sa ibayong dagat tungkulin nating suportahan ang pakikibaka ng mga kababayan sa loob ng ating bansa sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan at kagalingan . Tungkulin din nating iugnay ito sa internasyunal na pakikibaka ng uring manggagawa sa buong daigdig. Sa ganitong paraan lamang natin malalabanan ang pag-atake sa paggawa at pagbawi sa mga nakamit na tagumpay nito.

    Mabuhay ang Uring Manggagawa sa Buong Daigdig !!! Mabuhay ang Migranteng Pilipino !!!

    ITAGUYOD ANG PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON !
    IPATUPAD ANG TUNAY NA REPORMANG AGRARYO !

    PAWIIN ANG KONTRAKTWALISASYON ! IBASURA ANG ‘ENDO’ !

    WAKASAN ANG LABOR EXPORT POLICY ! IPATUPAD ANG MIGRANTS’ AGENDA !

    IPAGPATULOY ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN ! APRUBAHAN ANG CASER !

    Umangat-Migrante ROME; Migrante – MILAN; Kapit-Bisig Migrante MILAN; Migrante BOLOGNA; Migrante MANTOVA (KP) ; Migrante CASERTA (KP); Migrante COMO (KP); Migrante Firenze

    References:

    [email protected] 

    [email protected]

  • Paghahayag ng mabuting balita at pagtatanggol sa human rights, gawain ng mga misyonero

    Paghahayag ng mabuting balita at pagtatanggol sa human rights, gawain ng mga misyonero

    Maging bahagi sa paghahayag ng mabuting balita, pagpapanatili ng kapayapaan at pagtatanggol sa karapatang pantao.

    Ito ang pangunahing gawain ng mga misyonero ayon kay Sr. Beth Pedernal ng Missionary Sisters of St. Charles Borromeo, Scalabrinians na nakabase sa Roma.

    Nakagugulat kay Sr. Pedernal ang ginawang pag-aresto sa Australian Missionary na si Sr. Patricia Fox, NDS ng Bureau of Immigration kung saan inako ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos dahil sa ‘disorderly conduct’.

    We are pro peace! We want to be instrument of peace and that is also our way of being a missionary. Our being a living sign, testifying journeying with the people. Living out our call to holiness. To serve god and love God in the service of the people,” ayon kay Sr. Pedernal.

    Ipinaliwanag ni Sr. Pedernal na bilang Filipinong misyonero sa ibang bansa ay tulad din ng ginagawa ni Sr. Fox ang maging buhay na saksi ni Kristo.

    “Ako bilang misyonero sa labas ng Pilipinas at na-assign sa Estados Unidos for how many years at ngayon nandito sa Roma, nakikita ko at nauunawaan si Sr. Pat. Ako mismo kahit foreigner ako dito sa Roma, ako ay nakikisangkot sa mga migrante sa mga taong kailangan ang tulong upang bigyan ng pansin ang karapatan ng mga migrante hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng iba pang manggagawa,” paliwanag ni Sr. Pedernal.

    Sinabi ng Madre na ang pagiging misyonero ay sa pamamagitan ng pakikisalamuha, pakikilakbay kasama ang sambayanan at pagtatanggol ng kanilang karapatan para sa kadakilaan ng Panginoon.

    Si Sr. Pedernal ay isa sa tatlong misyonero na nakabase sa Roma na kabilang sa 23 madre na bumubuo ng Scalibrian congregation sa Pilipinas.

  • Italy-Philippine Friendship Association joins call to free Rafael Baylosis and all political prisoners!

    Italy-Philippine Friendship Association joins call to free Rafael Baylosis and all political prisoners!

    [Rome, Italy] Italy-Philippine Friendship Association joins the call to Free Rafael Baylosis and all political prisoners!

    Last Sunday February 25, 2018 the Italy – Philippine Friendship Association (Comitato di Amicizia Italo-Filipino) held a successful discussion forum on current national situation in the Philippines.

    Luciano Seller president of IPFA read the Association’s statement for the immediate release of Rafael Baylosis and All Political Prisoners.

    They have express the condemnation for the continuous human rights violations and political persecution that is happening in the Philippines and called for the continuation of the Peace Talks between the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

    A video presentation of the association’s last year activities was also viewed and leaders from other Italian and Migrants organizations had expressed their solidarity for the Association and the struggle for just and lasting peace for the Filipino people.

    FREE RAFAEL BAYLOSIS AND ALL POLITICAL PRISONERS!

    PEACE NOT WAR!

    CONTINUE THE PEACETALKS AND RESOLVED THE ROOT CAUSE OF THE ARMED CONFLICT!

    STRUGGLE FOR JUST AND LASTING PEACE!

    Source: Umangat Migrante

  • Mga kahilingan, panawagan, pagtutol at agam-agam ukol sa kalagayan sa Inang-Bayan

    Mga kahilingan, panawagan, pagtutol at agam-agam ukol sa kalagayan sa Inang-Bayan

    Ito ang pasalubong natin kay DFA Sec. Cayetano , DOLE Sec. Bello at USEC Mocha Uson, ang ginanap na OFW forum nitong lingo Jan. 28, 2018 ay matagumpay na naipaabot ang ating hinaing at kahilingan kay Sec. Cayetano , Sec. Bello, at napirmahan ang tatlong pahina na naglalaman ng mga mahahalagang isyu na dapat bigyan ng kaukulang pansin at solusyonan ng ating gobyerno.

    Hindi rin pinalampas ang pagkakataon ng Migrante Milan para makapagtanong at ipaalala kay Sec. Bello ang usapin sa ibinibida ng gobyerno na independent foreign policy, ang usapin sa land reform at pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan para tugunan ang ugat ng armadong pakikibaka sa pamamagitan ng “CASER”.

    Honorable,
    Secretary Allan Peter Cayetano
    Department of Foreign Affairs
    Government of the Republic of the Philippines

    28 January, 2018

    Dear Hon. Secretary,

    Bukas na Pahayag Hinggil sa mga Kahilingan, Panawagan, Pagtutol at Agam-Agam Likha ng mga Kaganapan sa Inang Bayan

    “Labis naming ikinagagalak at pinasasalamatan ang inyong pagdalaw sa aming pamayanan migrante dito sa Milan at Italya upang maging daan para maiparating sa iyong kaalaman ang mga nabanggit gaya ng nasa itaas.”

    1.) HINGGIL SA KALAGAYAN NG KAPATID NA MIGRANTE, MARY JANE VELOSO.
    Hindi na lingid sa inyong kaalaman ang malupit at kawawang kalagayan ni M.J. Veloso na ilang taon na rin nakapiit sa selda sa ibayong dagat sa bansa ng Indonesia sa kasong kinasasangkutan ng “drugs traficking” sang-ayon sa awtoridad ng naturang bansa. Subalit, sa paniniwala ng marami kasama kami migrante,ang naturang akusasyon ay hindi pa rin pumapabor sa ilalim ng “standard legal proceedings” hangga’t ang kanya karapatan umapela sa Korte ay nanatiling ipinagkakait..Dahil dito, hinihiling namin sa inyong Tanggapan at Kagawaran kasama ang panawagan ng sambayanan na mabigyan ng tama proseso at hustisya ang malupit na kapalaran ni M.J. Veloso gaya ng positibong posisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na nakikiisa sa panawagan ng sambayanan;

    2.) HINGGIL SA USAPIN ILEGAL NA PANANAKOP NG BANSA TSINA SA SCARBOROGH SHOAL AT BENHAM RISE.
    Isa sa mga binitiwan pangako ng Pangulo DU30 during his electoral campaigns ay ipaglaban ang sovereign rights at territorial integrity ng bansa at aniya “kung kinakailangan, pupunta ako roon at itatayo ko ang bandila ng Pilipinas, gagawin ko” Subalit, tila yata nagkamali ng bandila ang itinayo ng ating Pangulo DU30, sa halip na bandila Pilipino, ang bandila ng Tsina ang kanya itinayo.

    Ang naturang Shoal at Benham Rise, batay sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLS) ay legal at teritoryal na pag-aari ng Pilipinas at ito rin ang kumpirmasyon ng The Hague Tribunal decision in July 2016. It is an exclusive maritime economic zone of the country and therefore it should be protected not only a question of sovereign rights and territorial integrity but a patrimony of the nation. Kgg na Secretary, hiling namin sa inyo bilang nangunguna ang inyong Tanggapan at Kagawaran sa relasyon panlabas, na ipaglaban ang ating pambansa soberenya at dignidad panteritoryo. Kung hindi pa tayo tututol, baka wala na kami dadatnan pa Inang Bayan during our retirement and final homecoming for good sa dahilan nasakop na ng bansa Tsina ang buong Pilipinas.

    3.) MAXIMUM PROTECTION, SERVICES AND WELFARE ACCORDING TO RA 8042 BETTER KNOWN AS MIGRANTS ACT OF 1995.

    Hiling namin sa inyo ang makatotohanan at seryosong implemetasyon ng naturan proteksyon, serbisyo at paglingap mula sa inyong Tanggapan, Kagawaran at mga kaakibat na ahensya ng gubyerno gaya ng OWWA, POEA, DOLE atbp. may kagyat na ugnay at kinalaman sa kalagayan ng migrante at kanila pamilya.. Kahit kailan at kahit saan lugar, nananatiling bulnerabile ang migrante di lang sa usapin relasyon sa trabaho, kultura at maging sa immigration policies in every host country. Hwag na natin banggitin pa ang bulnerabileng sitwasyon sa pagitan ng mga pamilya naiwan sa Pilipinas, lalo na..

    4.) MGA USAPIN HINGGIL SA TRAIN LAW, CHA-CHA, TOKHANG, EJKs, HUMAN RIGHTS VILATIONS, CON-ASS, PEDERALISMO, MARTIAL LAW WITH PLANNED EXTENSION AND REV-GOV.

    Ang pag-iral at pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo na iyong sa parte ng basic commodities, pagtaas ng mga taxes ay malupit na nakapataw sa araw-araw na buhay ng mamamayan lalo na sa hanay ng maralita at di rin nakaligtas ang mga pamilya ng migrante habang sa kabilang banda, walang nagaganap na pagtaas ng sahod ng manggagawa, pesante, mga kawani ng gubyerno lalo na ang ating mga guro o dili kaya’y garansiya batas mula sa lehislatura o gubyerno, at kung mayroon ma’y ito’y para lamang sa AFP at PNP..This one leaves and provokes a big question…bakit nga kaya?

    Ang “Tokhang”, EJKs at Human Rights Violations, kailanma’y di umiiral sa isang sibilisadong lipunan bagkus ito’y pangkaraniwang nagaganap sa ating bansa at lipunan at kalimitan ang nabibiktima ay pawang mga “street-level” suspects maliban pa mismo mula sa pamilya ng OFW o migrante at nakakalungkot isipin na batay sa stats, umaabot na sa 17 libo ang bilang ng bikitma sa paraang EJKs (killings/salvaging w/o judicial process maliban sa utos mismo ng Pangulo DU30). Dagdag pa, ang mga biktima ng EJKs sa hanay ng mga progresibo organisasyon gaya ng pesante, manggagawa, aktibista, human rights activist at mga lider katutubo..Kung susumain, ang lahat ng biktima ng EJKs ay mga grabe at matitinding paglabag sa karapatan pantao.

    Hinggil sa napipintong CHA-CHA, CON-ASS, REV-GOV, PEDERALISMO at Martial Law extension, ang aming interpretasyon ay malinaw na indikasyon may tunguhin diktadurya masahol pa sa panahon ng diktadurya Marcos; at sa huli,

    5.) ANG PANAWAGAN “RESUMPTION OF PEACE TALKS”.
    Thru your good and respective Department, we the OFWs on global level call on both panels, the GRP and the NDFP to go back at the negotiating table and start anew and without delays the resumption of peace talks that is on stalled status after the successful 5th round of talks. Both panels must sincerely respect and adhere to agreements forged and signed bilaterally starting from The Hague Joint Declaration of 1992 and onward declarations and agreements. We have only one common goal and mission with such peace talks. “To find a solution to address the root causes of the decades armed conflict in the country”.##

    Thank you for your kind attention with hope of fruitful visits with us in Milan and Italy..

    For reference:
    Nicolas “ka Mike” B. Montemayor, President
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe
    Migrante Italy & Chapters
    Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

    OFW Forum January 28, 2018
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe, Migrante Italy & Chapters Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

    OFW Forum January 28, 2018
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe, Migrante Italy & Chapters Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

    OFW Forum January 28, 2018
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe, Migrante Italy & Chapters Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

    OFW Forum January 28, 2018
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe, Migrante Italy & Chapters Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome

  • Bukas na Liham para kay DFA Secretary Cayetano mula sa Migrante Italy at Migrante Europe

    Bukas na Liham para kay DFA Secretary Cayetano mula sa Migrante Italy at Migrante Europe

    Honorable,
    Secretary Allan Peter Cayetano
    Department of Foreign Affairs
    Government of the Republic of the Philippines

    28 January, 2018

    Dear Hon. Secretary,

    BUKAS NA PAHAYAG HINGGIL SA MGA KAHILINGAN, PANAWAGAN, PAGTUTOL AT AGAM-AGAM LIKHA NG MGA KAGANAPAN SA INANG BAYAN.

    “Labis naming ikinagagalak at pinasasalamatan ang inyong pagdalaw sa aming pamayanan migrante dito sa Milan at Italya upang maging daan para maiparating sa iyong kaalaman ang mga nabanggit gaya ng nasa itaas.”

    1.) HINGGIL SA KALAGAYAN NG KAPATID NA MIGRANTE, MARY JANE VELOSO.

    Hindi na lingid sa inyong kaalaman ang malupit at kawawang kalagayan ni M.J. Veloso na ilang taon na rin nakapiit sa selda sa ibayong dagat sa bansa ng Indonesia sa kasong kinasasangkutan ng “drugs traficking” sang-ayon sa awtoridad ng naturang bansa. Subalit, sa paniniwala ng marami kasama kami migrante, ang naturang akusasyon ay hindi pa rin pumapabor sa ilalim ng “standard legal proceedings” hangga’t ang kanyang karapatang umapela sa Korte ay nananatiling ipinagkakait. Dahil dito, hinihiling namin sa inyong Tanggapan at Kagawaran kasama ang panawagan ng sambayanan na mabigyan ng tamang proseso at hustisya ang malupit na kapalaran ni M.J. Veloso gaya ng positibong posisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na nakikiisa sa panawagan ng sambayanan;

    2.) HINGGIL SA USAPIN ILEGAL NA PANANAKOP NG BANSA TSINA SA SCARBOROGH SHOAL AT BENHAM RISE.

    Isa sa mga binitiwang pangako ng Pangulo DU30 during his electoral campaigns ay ipaglaban ang sovereign rights at territorial integrity ng bansa at aniya “kung kinakailangan, pupunta ako roon at itatayo ko ang bandila ng Pilipinas, gagawin ko” Subalit, ’tila yata nagkamali ng bandila ang itinayo ng ating Pangulo DU30, sa halip na bandilang Pilipino, ang bandila ng Tsina ang kanyang itinayo.

    Ang naturang Shoal at Benham Rise, batay sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLS) ay legal at teritoryal na pag-aari ng Pilipinas at ito rin ang kumpirmasyon ng The Hague Tribunal decision noong July 2016. It is an exclusive maritime economic zone of the country and therefore it should be protected not only a question of sovereign rights and territorial integrity but a patrimony of the nation. Secretary, hiling namin sa inyo bilang nangunguna ang inyong Tanggapan at Kagawaran sa relasyong panlabas, na ipaglaban ang ating pambansang soberenya at dignidad panteritoryo. Kung hindi pa tayo tututol, baka wala na kaming dadatnan pa na Inang Bayan during our retirement and final homecoming for good sa dahilang nasakop na ng bansang Tsina ang buong Pilipinas.

    3.) MAXIMUM PROTECTION, SERVICES AND WELFARE ACCORDING TO RA 8042 BETTER KNOWN AS MIGRANTS ACT OF 1995.

    Hiling namin sa inyo ang makatotohanan at seryosong implementasyon ng naturang proteksyon, serbisyo at paglingap mula sa inyong Tanggapan, Kagawaran at mga kaakibat na ahensya ng gubyerno gaya ng OWWA, POEA, DOLE atbp. may kagyat na ugnay at kinalaman sa kalagayan ng migrante at kanila pamilya. Kahit kailan at kahit saang lugar, nananatiling bulnerable ang migrante hindi lang sa usaping relasyon sa trabaho, kultura at maging sa immigration policies sa bawat host country. Huwag na nating banggitin pa ang bulnerabileng sitwasyon sa pagitan ng mga pamilya naiwan sa Pilipinas, lalo na.

    4.) MGA USAPIN HINGGIL SA TRAIN LAW, CHA-CHA, TOKHANG, EJKs, HUMAN RIGHTS VILATIONS, CON-ASS, PEDERALISMO, MARTIAL LAW WITH PLANNED EXTENSION AND REV-GOV.

    Ang pag-iral at pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo na iyong sa parte ng basic commodities, pagtaas ng mga taxes ay malupit na nakapataw sa araw-araw na buhay ng mamamayan lalo na sa hanay ng maralita at di rin nakaligtas ang mga pamilya ng migrante habang sa kabilang banda, walang nagaganap na pagtaas ng sahod ng manggagawa, pesante, mga kawani ng gubyerno lalo na ang ating mga guro o dili kaya’y garansiya batas mula sa lehislatura o gubyerno, at kung mayroon ma’y ito’y para lamang sa AFP at PNP. This one leaves and provokes a big question… Bakit nga kaya?

    Ang “Tokhang”, EJKs at Human Rights Violations, kailanma’y di umiiral sa isang sibilisadong lipunan bagkus ito’y pangkaraniwang nagaganap sa ating bansa at lipunan at kalimitan ang nabibiktima ay pawang mga “street-level” suspects maliban pa mismo mula sa pamilya ng OFW o migrante at nakakalungkot isipin na batay sa stats, umaabot na sa 17 libo ang bilang ng bikitma sa paraang EJKs (killings/salvaging w/o judicial process maliban sa utos mismo ng Pangulo DU30). Dagdag pa, ang mga biktima ng EJKs sa hanay ng mga progresibo organisasyon gaya ng pesante, manggagawa, aktibista, human rights activist at mga lider katutubo..Kung susumain, ang lahat ng biktima ng EJKs ay mga grabe at matitinding paglabag sa karapatan pantao.

    Hinggil sa napipintong CHA-CHA, CON-ASS, REV-GOV, PEDERALISMO at Martial Law extension, ang aming interpretasyon ay malinaw na indikasyon may tunguhin diktadurya masahol pa sa panahon ng diktadurya Marcos; at sa huli,

    5.) ANG PANAWAGAN “RESUMPTION OF PEACE TALKS”.

    Through your good and respective Department, we the OFWs on global level call on both panels, the GRP and the NDFP to go back at the negotiating table and start anew and without delays the resumption of peace talks that is on stalled status after the successful 5th round of talks. Both panels must sincerely respect and adhere to agreements forged and signed bilaterally starting from The Hague Joint Declaration of 1992 and onward declarations and agreements. We have only one common goal and mission with such peace talks. “To find a solution to address the root causes of the decades armed conflict in the country”.

    Thank you for your kind attention with hope of fruitful visits with us in Milan and Italy.

    For reference: Nicolas “ka Mike” B. Montemayor, President
    Milan-OFW Kapit Bisig(KB), Migrante Europe
    Migrante Italy & Chapters
    Milan, Bologna, Firenze, Mantova, Rome