Sa kabila ng malakas, malawak at tuloy-tuloy nating panawagan na ibasura ang Anti-Terror Bill ay pinirmahan pa rin ito ni Rodrigo Duterte. Ang pagpirma na panukalang batas na ito ay patunay lamang na hindi na makikinig ang pasistang pamahalaan sa tinig na nagkakaisang mamamayan. Kakatwang pinirmahan ang ATB sa araw na ito kung saan nakapagtala ng pinakamataas na cases ng COVID19 sa isang araw.
At bilang pagpapakita ng ating matinding galit sa papet, pabaya, palpak at pasistang rehimen na ito, hinihikayat na tayo’y lumahok sa indignation rally na pangungunahan ng iba’t-ibang progresibong organisasyon. Muli, hinahamon tayong manindigan at lumaban sa panahong naghahasik ng takot at kadiliman sa panahon ng pandemya. Ikintal natin sa ating mga puso at isip na tayo ang kapangyarihan na dapat maging mapagpasya.
MAPAGPASYA NATING IBABASURA ANG ANTI-TERROR LAW!
BABAWIIN NATIN ANG KAPANGYARIHAN MULA SA MGA NAGHAHARI-HARIAN!
Nagkakaisang Pilipino sa Pransya-Les Philippin.es Uni.es en France